Kana's POV
"May somabotahe kay Lucas?" tanong ni Brandon.
"What do you mean may somabotahe kay Lucas?" dagdag na tanong ni Ysa.
"Hindi si Lucas ang nag utos na ituloy ang demolition, sa totoo nga pinagsisihan niya ng sobra ang lahat." malungkot na saad ni Anna.
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko, maniniwala ba ako, matatawa o maiiyak dahil sa pinagsisihan niya ang ginawa niya.
"During the demolition ay nagmadali kaming pumunta sa skwaters dahil sa ipinalabas sa TV ang nangyari at nakita ka niya Kana. Kulang nalang ay pumatay siya ng tao nang makita ka niyang nakahandusay at puno ng dugo. Kaya halos liparin namin ang daan makarating lang agad sa hospital." siya ang nagdala sa akin dito?
"I thought Elliot brought me here?" naguluhan kong saad.
"No, Lucas and I brought you here. Kasama pa namin si Bubwit." napatingin ako kay Brandon na nagulat din sa mga sinabi ni Anna.
"Girl, wala akong alam sa lahat kaya don't look at me like that ha." saad niya.
"Hindi ako ang dapat nagsasabi sayo nito Kana peru Lucas loves you, he cares for you at sa lahat ng babaeng dumaan sa kanya ay sayo lang siya nagkaganyan, cliché peru totoo Kana." hindi parin ako makapaniwala o hindi ko lang talaga kayang paniwalaan.
Kung gagawin talagang teleserye ang buhay ko ay sure ako na susubaybayan ng mga tao gabi gabi. Sobrang dami nang nangyari at parang hindi na kaya ng utak ko na tanggapin lahat. Nasaksak ako, nakilala ko totoo kong pamilya, tapos ngayun malalaman ko may somabotahe kay Lucas at hindi siya ang nag-utos para ituloy ang demolition ng skwaters at higit sa lahat siya pa nagdala sa akin dito? Kulang nalang talaga ay sumabog ang utak ko sa lahat ng mga kailangan iproseso.
"Itatakwil ko na sana siya kung hindi mo lang sinabi yan Anna." saad ni Ysa.
"Kung siya nga ang nagdala kay Kana dito, bakit hindi siya nanatili at hinintay magising si Kana?" tanong ni Brandon.
"Nasuntok siya sa panga ni nung Elliot, sobrang galit sa kanya dahil sa nangyari kay Kana at ayun pinaalis siya. Yung gago mo namang kapatid emexit din agad." siniko pa niya si Ysa.
"Tanga naman talaga yun, kung nanatili lang sana siya at ipinaliwanag sayo ang lahat naku malamang okay na kayo ngayun." saad ni Brandon.
"Hindi naman ganun kadali yun." at napatingin silang tatlo sa akin na laylay ang mga balikat.
Magsasalita pa sana si Ysa peru biglang bumukas ang pinto at sabay na pumasok sina Elliot at ang magulang niya na magulang ko din daw.
"Oh, we didn't know you have visitors Kana. Sorry." paghihingi ng pasensya ni Elliot na malungkot ang mukha.
Gusto kong magalit sa kanya dahil sa pagkilos niya sa likod ko, ipinagkait niya sa akin ang katotohanan. Alam na niya peru hindi man lang niya sinabi sa akin.
"Oh hi Elliot, we didn't know you're coming too." kinikilig na saad ni Ysa.
"My parents and I are here for my sister." sagot na Elliot saka ako tiningnan sa mata at agad naman akong umiwas.
"Your sister? I didn't know you have a sister, what happened to her?" tanong ni Ysa.
"She was punched in the face and stabbed by some cowards." sagot naman ni Elliot.
"Same as Kana?" confused na tanong ni Ysa.
"Yes, same as Kana because it's her." pumikit nalang ako at pilit nag-isip ng kahit anong alaala na magpapasaya sa akin.
"What do you mean it's her?" si Ysa ulit.
"Kana is my sister." hindi ko nakita ang reaction ng mukha ni Ysa peru dinig na dinig ko na napasinghap siya.
"You mean this Kana in front of us is your sister? This Ellise Cruz is your sister?" gulat na tanong ni Ysa.
"Yes, Ellise Cruz is my sister." taas noong saad ni Elliot na parang kumurot sa puso ko.
Parang magaan sa pakiramdam na may taong proud na magpapakilala sayo bilang kapatid niya. Yung hindi magdadalawang isip sabihin na kapatid ka niya kahit sino pa kaharap niya. Si Brandon lang ang nagpaparamdam sa akin noon na proud siyang maging kaibigan ko at sobrang sarap na sa pakiramdam nun, peru parang mas masarap sa pakiramdam na kapatid mo na ang proud sayo.
"Do you guys mind if we talk to Kana for a few minutes?" saad ni Elliot.
"Not at all." sagot ni Ysa saka hinili palabas si Anna at Brandon na ayaw pa sana akong iwanan.
"Okay lang Brandon, tatawagin nalang kita kapag pagod na ako." saad ko.
"Happy thoughts lang ha, isipin mo lang na nasa tabi mo ako." tumango ako at saka lang siya sumama palabas kay Ysa at Anna.
Umupo sa gilid ng bed si Elliot at sa kabilang gilid naman ay ang mga magulang daw namin na bakas sa mga mata ang pag iyak at pag-aalala. Magkahawak kamay silang dalawang nakaharap sa akin at hinihintay ata akong magsalita.
"What are we going to talk about?" malamig kong saad.
"We want to apologise for what happened Ely." saad ng nanay ko daw na umiiyak.
"Ely?" na confuse pa ako kung sino si Ely, eh kami lang namang apat ang nandito.
"We used to call you Ely before, since we named you Ellise Cruz." mas lalo lang akong naguluhan, pangalan ko na ang pangalan ko ngayun bago pa man ako nawala?
"You named me Ellise Cruz?" sabay silang tumangong mag asawa.
"You're Ellise Cruz and I'm Elliot Cruz." nakangiting saad ni Elliot.
"Then how did the orphanage know that my name is Ellise Cruz?" nagtataka kong tanong.
"The day that you were kidnapped you're wearing this cute little dress that I made that has your name embroidered on it. Maybe that's where they got your name." naliwanagan na ako sa pangalan ko, ngayun naman ay kinidnap daw ako?
"Wait, i was kidnapped before?" sabay ulit na tumango ang mag asawa.
"Way back in Spain, we hired a nanny for you since me and your papa are working, everything was perfect in the beginning, but the one evening we went home and we couldn't find you and your nanny. That night was the most painful night for us, we don't know where to find you, we don't know where our little princess is. We went everywhere to find you Ely, we hired a lot of people to find you." umiiyak na kwento ng nanay ko daw.
"You're rich, you have a lot of connections and you can ask powerful people for help but still, it took twenty-three years before you finally found me and you found me by accident i might add and not because you came here and really look for me. How painful is that? and you really expect me to just accept everything like a hungry kid accepting food from a stanger? " kusang tumulo ang mga luha ko at ramdam ng akin balat ang dahan dahan nitong pagbaba sa aking pisngi.
Tiningnan ko silang tatlo at isa lang ang nakita ko, sakit. Puno ng sakit at pagsisisi ang kanilang mga mata, they can't even look at me straight in the eye dahil sa sinabi ko.
"We trusted a lot of professional people to look for you, but they end up just using us for money. We didn't know they are giving us wrong information. It happened for almost five years, we wasted five years because of them. We did look for you ourselves too Ely, we went everywhere." dagdag ng tatay ko daw.
"Everything is so confusing, how did she managed to bring me here in the Philippines?" tanong ko.
"She got a hold of your passport and other documents. She forged our signatures, she made a lot of things up just to take you away from us." bakit? bakit sobrang desperada ng babaeng yun para ilayo ako?
"She kidnapped you because someone paid her to do it. Your Papa's rival company paid her to take you away from us." parang narinig ng nanay ko ang iniisip ko at nasagot niya ang tanong ng utak ko.
Ang gulo, ang labo at nakakalito.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
Bibigyan ko ba ng pagkakataon ang sarili ko na maranasang magkaroon ng tunay na pamilya?
![](https://img.wattpad.com/cover/128621057-288-k97384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...