Kana's POV
Isang buwan.
Isang buwan na akong walang trabaho, kaya isang buwan na rin akong nakasunod kay Lucas sa trabaho niya. Alam ko na nga pang araw-araw na gawain niya eh, kilala ko na din halos lahat ng nakakasalamuha niya dito sa building niya at halos buong buhay ni Anna ay nakwento na niya sa akin, pati yung janitor ng floor kung nasaan ang opisina ni Lucas ay sanggang dikit ko na rin dahil kapag may meeting si Lucas, sila ang nakaka-usap ko.
Ngayun ay pareho silang wala at si Lucas naman ay nasa meeting, si Brandon ay rumaraket bilang make-up artist at hairstylist kaya lagi din siyang busy. Humiga na ako sa isa sa mga sofa dito sa opisina ni Lucas, naupo na ako sa upuan niya at sa mismong mesa peru wala paring nagbago, bored parin ako. Nag selfie nalang ako na naka poker face at sinend ko kay Lucas.
"How bored are you?" sagot niya.
"Kung susukatin ng 1-10, nasa 11 siguro or 20 ang pagka bored ko." reply ko naman.
"Check your social media accounts, para hindi ka ma bored."
"Nagawa ko na po yan mga one hundred times." akala niya hindi ko sinubukan yun.
"Maglibot ka sa building."
"Nahihiya na ako sa mga empleyado mo, halos araw araw nalang ako naglilibot at baka naiistorbo ko na sila." baka akalain nila umaasta akong may-ari ng kompanya.
"Punta kang roof top, sunod ako later after ng meeting."
"Saan yun?"
"Sakay kang elevator pindutin mo pinakahuling number na makikita mo tapos, akyat ka sa stairs at paglabas mo roof top na yun, wag kang mag-isip na tumalon hah." Ako tatalon? Anong akala niya sakin, pasan na talaga ang mundo?
"K." tanging reply ko at agad tinungo ang elevator.
Matagal tagal na akong labas pasok sa building na ito ni Lucas peru ngayun lang niya nabanggit sa akin ang roof top na gusto niyang puntahan ko. Ano kayang nandun?
Nang bumukas ang pinto ng elevator hudyat na nasa pinakahuling floor na ako ng building ay agad akong lumabas at hinanap ang hagdan. Nang maakyat ko na ang ilang baitang na hagdan ay isang pinto naman ang nasa harap ko na gawa sa bakal, may kabigatan din siyang buksan at halatang wala masyadong bumubukas nun dahil halos hindi mo na siya mabuksan ng malaki dahil sa kalawang. Busy ako kakatingin sa kinalawang nang pinto peru nang mapalingun ako sa kung ano ang napasukan ko ay nalaglag ang panga ko sa sahig sa pagkabigla.
Samot saring bulaklak ang nasa paligid, ibat-ibang kulay, sobrang bango ng lugar. May mga rosas na ibat-iba ang kulay at may iba pang napakagaganda na hindi ko alam anong pangalan basta maganda sila at ang bango. Nilibot ko pa ang lugar na puno ng paghanga, sobrang ganda ng na kahit saan ka lumingon ay bulaklak ang bubungad sayo. Nang makarating ako sa gitna ay nakita ko ang isang duyan na mas lalong nagpaganda sa lugar, nang tumingala ako ay akala ko walang bubong peru ang buong lugar ay natatakpan pala ng glass na bubong. Naupo ako sa duyan na medyo madumi at maalikabok peru hindi ko na pinansin o nilinisan at diretso nalang akong naupo.
Si Lucas kaya ang gumawa lahat ng ito? Tanong na agad pumasok sa isip ko.
Ilang minuto ang nakalipas ay muli kong nilibot ang aking mga mata sa paligid, saka biglang nag-iba ang paningin ko sa paligid, sa mga bulaklak, sa mga halaman. Kung kanina ay masisigla sila na nagpahanga sa akin, ngayun ay parang nawalan sila ng buhay, hindi sila masaya at hindi maayos ang kinalalagyan nila. Malungkot sila dahil walang nag-aalaga sa kanila, walang nagmamahal sa kanila.
Parang biglang may sumuntok sa dibdib ko, masakit, mahapdi at ayokong maramdaman. Ang mga bulaklak at ako ay parang iisa, walang nagmamahal, walang nag-aalaga at malungkot. Sa unang tingin ay masaya at walang problema peru sa totoo pala ay nangungulila. Naramdaman ko ang dahan dahang pag tulo ng aking luha. Isa, dalawa, tatlo hanggang sa hindi ko na mabilang.
"Are you crying?" hindi ko na namalayan na nasa harapan ko na pala si Lucas, agad kong pinunasan ang luha ko bago ako tumingala para tingnan siya.
"Nakakalungkot lang ang mga halaman, walang nag-aalaga sa kanila." saad ko.
"You can take care of them if you want to." saad niya habang pinupunasan ang natitirang luha sa pisngi ko gamit ang mga palad niya.
"Talaga?" tumango lang siya bilang sagot. "Ikaw ba Gumawa nito?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ako ang literal na gumawa peru ako nagpagawa." sagot niya.
"Mahilig ka sa mga bulaklak?" tanong ko ulit.
"Hindi masyado." tipid niyang sagot.
"Eh bakit mo pinagawa to?" tanong ko ulit.
"I had this made for someone special to me before." hindi ko mawari peru bakas ang kalungkutan sa kanyang mga mata habang binabanggit ang huling salitang sinabi niya.
"Nasaan na siya?" tanong ko na naman.
"Tama na ang tanong, ang dapat nating pag-usapan ay ang mga gagawin mo dito." pag-iiba niya sa usapan.
Pinatayo niya ako at inilibot sa lugar, isa isa niyang inilarawan ang mga bulaklak at paano alagaan ang mga ito. Nakasunod lang ako sa kanya at nakikinig, peru sa totoo lang wala din akong naintindihan masyado dahil taglish eh, ang hirap.
"Bakit parang ngayun lang ulit may pumasok dito? Kinalawang na kasi ang pinto." tapos na kaming maglibot at itinutulak niya ako sa duyan ngayun, para akong batang sayang saya sa ginagawa niya.
"Let's just say, ngayun ko lang naalala ang lugar na to." may amnesia lang ganun?
"Impossible naman ata, kung tutuusin nasa baba ka nagtatrabaho at nasa ibabaw ng ulo mo to tapos ngayun mo lang naalala?" totoo naman kasing impossible diba?
"May mas importante akong kailangan gawin kaysa isipin ang lugar na to." saad niya.
"Siguro kapag tinanong ko magulang ko kung sakaling hanapin nila ako kung bakit ngayun lang nila ako naalala ay yan din isasagot nila. Na may mas importante silang ginagawa kaysa mag sayang ng panahon na hanapin ako." tinigil niya ang pagtulak sa duyan at lumipat sa harap ko saka lumuhod.
"Don't say that, alam ko mahal ka ng magulang mo. Baka nga hinahanap ka pa nila hanggang ngayun." hinawakan niya ang dalawa ko kamay ng mahigpit.
"Kahit makita pa nila ako ngayun huli na siguro para maging magulang sila sa akin." ngumiti ako ng pilit.
"It's never to late for anything Kana, huli man na silang dumating magulang mo parin sila." seryoso niyang saad.
"Nasasabi mo lang yan dahil lumaki kang kasama ang magulang mo." mahina kong saad.
"Alam ko masakit peru wala naman atang magulang ang gustong mawalan ng anak Kana."
"Meron at yun ay ang magulang ko. Hindi sila nasaktan nung nawala ako or iniwan nila ako, hindi sila nasaktan dahil wala akong kwenta sa kanila. Hindi nila ako mahal at hindi nila ako gusto. Wala akong kwenta sa kanila Lucas, wala!" humagulhol na ako ng iyak.
Ang ilang taong ko nang kinikimkim na mga salitang gusto kong bitawan noon ay nabitawan ko na ngayun, ang emosyon na matagal ko nang pilit pinipigilan ay hinayaan kong lumabas ngayun. Ang matibay at matayog na bakod na matagal kong ginawa para proteksyon sa aking sarili ay dahan dahan nang gumuguho.
"No, don't say that. May mga pagkakataon na hindi natin kontrolado Kana at yun ang dahilan kung bakit nawalay ka sa kanila, peru mahal ka nila." niyakap ako ng mahigpit ni Lucas peru nagpumiglas ako dahil sa pagtatanggol niya sa magulang ko na walang pakialam sa akin.
"Hindi natin alam ang tunay na dahilan Lucas kaya wag mong sabihin na mahal nila ako, dahil kung totoo ang pagmamahal na yan inalagaan sana nila akong mabuti, binantayan sana nila akong mabuti at hindi hinayaang mawala." dahan dahan akong umatras papalayo kay Lucas.
Ipinagtatanggol niya ang magulang ko, mas naiintindihan niya ang magulang ko kaysa sa hinanakit ko. Katulad lang din siya ng mga magulang ko, hindi ako pinapahalagahan. Wala akong kwenta, hindi ako mahalaga, wala akong kwenta, hindi ako mahalaga.
Walang magmamahal sa akin.
Walang nagmamagal sa akin.
Walang nagmamahal sayo Kana.
![](https://img.wattpad.com/cover/128621057-288-k97384.jpg)
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
De TodoWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...