CHAPTER FIFTY-FOUR - HOUSE ARREST

6K 127 0
                                    

Kana's POV

Sabado, walang online school, walang photoshoot, walang gagawin, as in wala lahat.

"Brandon please, alam mo naman na wala akong school ngayun at wala tayong shoot kaya isama mo na ako. Sige na please." nag puppy eyes na ako, dinaig ko na ang pinaka cute na tuta sa buong mundo isama lang niya ako.

"Alam ko lahat ng yan, ako may hawak ng schedule mo remember?" sagot niya habang naghahanap ng damit sa closet niya.

"Oh di isama mo na ako." saad ko.

"As much as I want to bring you with me, I can't. Your Lucas will be so pissed with me if I won't follow his instructions." humiga nalang ako sa bed niya katabi ng bag na pang lalagyan niya ng damit.

Kanina ko pa kasi pinipilit si Brandon na isama ako sa outing nila ng mga kaibigan niya. Iniinggit niya ako dahil nga mag bababad sila sa araw ngayun at bukas, magbi-beach sila at bawal ako sumama dahil ayaw pumayag ni Mang Lucas. Napaka killjoy talaga, ayaw niya akong pasamahin peru hindi naman niya ako sasamahan mag mokmok dito.

"Sige na Brandon, isama mo na ako please." Ang mga damit na nalagay na niya sa bag niya ay isa-isa ko namang inilalabas kaya hindi umuusad ang pag-iimpake niya.

"Kana stop it." natatawa niyang pigil sa ginagawa ko.

"Titigil ako kapag isasama mo ako." sana gumana.

"Gusto mo na ba talaga akong lumisan ng maaga sa mundo Kana?" bagay sila ni Ysa talaga, parehong OA.

"Kasama mo naman ako at Brandon hindi  mamamatay tao yung boyfriend  ko kahit napakasungit nun." kombinsi ko sa kanya na alam kong hindi talaga gagana.

"Ikaw lang ang hindi kayang saktan nun no!" sabi ko na nga be eh.

"Napaka OA! Sige na nga dito nalang ako." Iniwan ko siya sa kwarto niya at dumiretso sa kwarto ko. Sinara ko lahat ng pwedeng pasukan ng sinag ng araw dahil kailangan ko ang tulong ng kadiliman para makatulog ako buong araw. Humiga ako at nagtalukbong ng kumot.

Isang minuto pa lang ata akong nakahiga nang tumunog ang pinto ng kwarto ko meaning may pumasok, saka gumalaw ang higain ko meaning may sumampa sa kama ko.

"Wag mo kalimutan i-lock ang pinto Brandon ha. Don't forget to bring pasalubong for me, enjoy!" Saad ko dahil feel ko si Brandon lang naman to at kinakain lang ng konsensya.

"Umalis ka na Brandon, baka iwan ka ng mga kaibigan mo. Hindi na ako nagtatampo promise." saad ko peru wala parin akong sagot na nakuha mula sa kanya.

Muling gumalaw ang higaan ko at napadilat ako bigla nang may biglang yumakap sa akin mula sa likod. Hindi naman ata si Brando to for sure dahil paa niya ang pinangyayakap niya sa akin. Sisikuhin ko na sana ng pagkalakas lakas ang kung sino mang nasa tabi ko, peru bigla siyang nagsalita.

"I missed you." pusang naka duster naman oh! Parang gumanda ang daloy ng dugo sa lahat ng ugat ko sa katawan nang makilala ko ang may-ari ng boses.

"Anong ginagawa mo dito?" Bago ako kainin ng kilig ay kailangan ko tandaan na nagtatampo ako sa kanya. Hindi ako pwedeng gumalaw at humarap sa kanya para hindi ma sabotahe ang pagtatampo tampohan ko. Baka mapansin niya ang namumula kong pisngi kahit sobrang dilim.

"Masama bang dalawin ang girlfriend ko?" nagpapakilig masyado ang lolo niyo para makalimutan ko ang tampo ko sa kanya.

"Hmp! Nagtatampo ako sayo, ayaw mo ako pasamahin sa kanila ni Brandon."

"Kasi nga I want to spend time with you." Meron na bang inatake sa puso dahil sa kilig?

"Lagi na naman tayong magkasama araw-araw ah." reklamo ko.

"Those days are different dahil may trabaho ako. Ngayun is wala akong trabaho na iisipin so sayo ang buong araw ko, sayo ang lahat ng oras ko."

Oo nga naman dahil tuwing week days ay sa umaga lang kami nagkikita kapag sinusundo niya ako dito at kapag nag-aaral ako sa office niya. Sinisiguro niya kasi na wala siyang meetings or any appointments from 8:00 to 10:00 am dahil nasa office niya ako nun nag-aaral.

"Ngayun lang naman sana ako sasama kay Brandon eh." reklamo ko ulit.

"So you really want to be with them than staying here with me?" hindi ko alam kung weird ito or hindi peru, i find it really cute kapag napipikon ko siya.

"Well umalis na sila so wala na akong magagawa." hintayin natin siyang sumabog.

" I'll ask someone to drive for you para makahabol ka, aalis na din ako at may meeting pa ako mamaya." Inis na inis siyang bumangon.

Nang malakas na nagsara ang pinto ng kwarto ay agad naman akong bumangon at tumakbo para habulin siya. Lalabas na sana siya ng main door nang maabutan ko siya, tumalon ako at sumampa sa likod niya na ikinagulat niya.

"Dito ka lang." bulong ko sa kanya.

"Akala ko ba ayaw mo ako dito?" tanong niya.

"I was just making fun of you." parang bata kong saad.

"Hindi ka nagtatampo?" paninigurado niya.

"Kanina, peru ngayun hindi kasi you're here na." kinikilig kong sabi. Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at inamoy amoy ko na talaga ang leeg niya at hindi ako nagsisi dahil sobrang bango.

"Talaga?" hindi ko man nakikita ang mukha niya, peru alam kong nakangiti siya.

"Hindi na nga sabi." tinablan naman ako ng hiya kaya sinubsob ko ang mukha sa leeg niya.

Ibinaba niya ako at saka siya humarap sa akin. Sobrang gwapu niya ngayun dahil ang ngiti niya ay umabot sa kanyang mga mata.

"You're blushing." bigla niyang sabi.

"Hindi ah, ganyan lang talaga pisngi ko minsan." saad ko na nagpatawa sa kanya.

"Anong gusto mong gawin today?" tanong niya habang ang mga kamay niya ay nasa likod ko at parang kinikiliti ako.

"Ikaw dapat mag-isip ng gagawin no!" siya tong may pakana na magkulong dito tapos ako tatanungin ng gagawin.

"What if we go back to your room and do something hot?" kinindatan pa niya ako na mas nagpapula sa magkabilang pisngi ko.

Tama ba ang pagkakaintindi ko sa sinabi niya or over over lang kung mag interpret ang utak ko. Hindi ko tuloy alam kung ano ang isasagot ko.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon