CHAPTER FIFTY - NEW GUY

6K 143 2
                                    

Kana's POV

Nagmamadali akong bumaba sa taxi na sinasakyan ko para puntahan si Lucas. Kakatapos lang ng shoot ko para sa isang magazine at may natanggap na agad akong napakagandang balita at gusto kong pagkatapos ni Brandon ay si Lucas ang susunod na makaka alam.

"Magandang tanghali po kuya." bati ko kay manong guard na sinalubong ako ng matamis na ngiti.

"Mukhang maganda ang araw natin ma'am ah." saad niya.

"Opo, may magandang balita po akong sasabihin kay Lucas." excited kong saad bago ako nagpatuloy sa paglalakad.

Mabilis akong naglalakad habang naghahalungkat sa bag ko para hanapin ang cellphone ko nang mabangga ako sa animo pader. Natumba ako sa sahig  at naitukod ko ang aking siko, sobrang sakit at hapdi ang naramdaman ko pagkatapos. Tumingala ako at kung akala ko kanina ay pader ang nabangga ko ay hindi pala, isang matangkad at matipunong lalaki ang nabangga ko.

Nakatingin lang siya sa akin na parang gusto niya akong matunaw gamit ang titig niya. Hindi man lang nag-alala kung humihinga pa ba ako o hindi, nabalian ba ako, nagka amnesia at kung ano anu pa.

"Hindi mo man lang ba ako tutulungan?" sinungitan ko siya.

Umiling lang siya at nilampasan ako na nakaupo parin sa sahig at pilit na iniintindi kung ano ang nangyare dalawang segundo lang ang nakakalipas. Gusto ko man siyang intindihin dahil ako naman ang may kasalanan dahil hindi ako nakatingin, peru may mata siya at alam niyang babangga ako, dapat umiwas na siya. Tapos hindi man lang niya ako tinulungang makatayo?

Dahil sa inis ko ay agad akong tumayo at hinanap siya. Nakita ko siyang patungo na sa exit kaya agad akong tumakbo para habulin siya.

"Hoy!" sigaw ko peru hindi parin siya lumingon. Tiningnan ko ang bag ko at naghanap ng pambato sa kanya at dahil napaka swerte kong tao, ayun saka lang ako nagsisi nang nakita kong lumilipad na papunta sa lalaki ang cellphone ko. "Naku po!" mahina kong saad habang biglang nag slow-motion ang lahat at naghihinatay nalang akong lumanding sa likod ng lalaki ang cellphone ko.

"What the f*ck!" mura niya nang lumanding sa batok niya ang cellphone ko.

Dalawa.

Dalawa ang pwede kong gawin na pumasok sa isip ko. Una, tumakbo sa pinakamalapit na elevator at pumunta kay Lucas. Pangalawa, harapin siya at pagalitan dahil hindi man lang niya ako tinulungan kanina at kung pwede ay pagbayarin narin dahil nabasag ang cellphone ko at hindi ko alam kung ano ang idadahilan ko pag tinanong ako ni Lucas kung bakit nabasag yun.

"Are you nuts?" saad niya habang galit na nakatingin sa akin at himas himas ang batok niya.

"Ikaw, nakabangga ka ng tao peru parang wala lang sayo ah!" saad ko.

"I don't know what you're talking about okay?" Hindi pinoy, ahh foreigner. Bakit hindi ko agad napansin?

"You, ano ahm.... You need to apologize." saad ko.

"For what?" tanong naman niya.

"For not helping me ahm... For not helping me back there!" pinahihirapan talaga ako ng pagkakataon.

"For a fraction of a second I thought you're a tourist here like me." word by word ko munang iniintindi ang sinabi niya bago ko naintindihan lahat.

"I'm not a tourist, I am a Filipina and I work here. Now that you know, you apologize for what you did." saad ko at tumayo halos lahat ng balahibo ko sa katawan nang tinawanan lang niya ako.

"Okay,  let me make things clear. It's you who's walking without looking on where you're going, so you bumped on me." Mahangin niyang saad, akala niya kung sino siya.

"Kasalanan ko na, peru you should've helped me stand up." paninindigan ko to, umabot man kami sa korte ay paninindigan ko to.

"Well yeah that made me a terrible person, but throwing phones on someone is terrible too i guess." pusang naka duster naman to oh!

"Tsss umalis ka na nga!" saad ko peru tinitigan lang niya ako na parang naguguluhan. "Ay wala palang alam na tagalog. I said go!" saad ko saka pinulot ang nabasag na cellphone at tinungo ang elevator.

Sino kaya yung aroganteng, akala mo kung sinong lalaking yun. Matagal na akong labas pasok dito peru ngayun ko lang yun nakitang napunta dito. Yung accent niya pag nagsasalita ng english iba, parang hindi siya americano talaga. Parang hindi english ang una niyang natutunang lengwahe. Sino kaya yun?

Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumunog ang elevator hudyat na nasa palapag na ako ng opisina ni Lucas. Paglabas ko ay si Anna na busy sa computer agad ang sumalubong sa akin.

"Hi Kana." masigla niyang saad.

"Tanong ko lang, paano mo nakakayang maging masigla kahit tinatambakan ka ng trabaho ni Lucas?" tumawa lang siya.

"I love my job. Pumasok ka na, mainit ulo ng boyfriend mo at alam kong ikaw lang nagpapalamig sa nag-aapoy niyang ulo." ako naman ang tumawa sa sinabi niya.

Nakagawian ko nang bago ako pumasok sa opisina ni Lucas ay hihinga muna ako ng malalim na animo papasok sa principals office dahil nakagawa ng malagim na krimen sa eskwelahan. Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.

"Lucas." excited kong saad saka diretsong lumapit sa kanya.

"You're here." sinalubong naman niya ako ng mahigpit na yakap at halik sa noo.

"Ahm we finished the shoot early and ahm....  I have a news for you." alam niyo na, pag pumapasok ako sa opisinang to parang dumadaan ako sa english department ng eskwelahan na may malaking sign na " Speak English Only".

"Don't tell me you're pregnant?" nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Are you, are you....  Baliw ka ba!" pinaghahampas ko siya.

"I was just kidding." tumatawa niyang saad habang niyayakap ulit ako.

"Susuntukin na talaga kita kapag biniro mo pa ako ng mga ganyan ganyan, naku makakatikim ka talaga sa akin ng black eye ulit tingnan mo." naiinis kong saad.

"Seriously, what's the good news?" binuhat niya ako at pinaupo sa table niya at siya naman ay umupo sa swivel chair niya.

"Okay,  so nasa shoot kami ni Brandon tapos dahil sobrang galing team ay natapos kami agad. May babaeng dumating, secretary ng sikat na designer as in sobrang sikat na designer at sinabi niya na gusto daw ng designer na ako ang magsuot ng main piece niya para sa fashion show next month." excited kong ikenwento sa kanya ang lahat habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin.

"You're beautiful." bigla niyang saad at ako naman nag-init ang pisngi at unti unting kinakain ng hiya.

"Tigilan mo nga ako." bumaba ako sa lamesa para sana lumipat sa couch.

"Stop right there." bigla niyang saad kaya tumigil din ako.

"Bakit?" tanong ko.

"What happened to your elbows?" Patay na!

Sasabihin ko ba ang totoo o hindi. Malalaman din naman niya dahil isang tanong lang sa mga taong nakakita kanina ay malalaman na niya at may CCTV pa.

"Ahm... Nabangga ako kanina habang papasok sa lobby." kinakabahan kong saad nang makita kong parang dahan dahang tinatabunan ng galit ang mga mata niya na kaninay masaya at kumikislap.

"Sobrang lapad ng lobby para mabangga ka, who did this to you?" galit at ma awtoridad niyang saad.

"Nabangga ako sa isang lalaking hindi ko kilala. Hinahanap ko kasi cellphone ko kaya hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko."

"Sinong lakaki?" mabilis na paghinga, taas baba ang adams apple niya sa galit.

"Hindi ko kilala, ngayun ko lang nakita basta hindi marunong magtagalog, foreigner ata."

"That rat did this to you!"

Agad niyang kinuha ang coat niya at galit na tinungo ang pinto peru sa awa ng diyos ay naabutan ko ang isang kamay niya at agad kong hinawakan iyun ng sobrang higpit.

"Dito ka lang, ahm... gamutin mo sugat ko." saad ko para hindi siya umalis.

Sa awa ng panginoong diyos ay nakinig naman siya.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon