Kana's POV
Busy!
Busy si Lucas at busy ako. Mag-iisang buwan na nga kaming hindi nagkikita dahil sobrang tight ng schedule niya at schedule ko. Lagi siyang nasa out of town or out of the country dahil sa negosyo at ako naman ay busy sa rehearsal, photoshoots at pag-aaral. Nagtatawagan naman kami at video call peru sobrang bilis lang dahil tinutulugan lang namin ang isat-isa.
Pareho kaming pagod at inaantok lagi kaya hanggang dalawa o limang minuto nalang kami kung mag-usap. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagdududa na baka may ibang babae na siyang pinagtutuunan ng pansin kung saang lupalop man siya mapadpad, sa halip ay isa lang ang nararamdaman ko at yun ay ang pagka miss ko sa kanya. Miss ko na ang Lucas ko, miss ko na ang masungit at laging nakakunot ang noo peru sweet na Lucas ko.
"Kana!" Nagising ako sa mula sa malalim na pag-iisip kay Lucas dahil sa pagkakatulak sa akin ni Brandon na halos mahulog pa ako mula sa aking kinauupuan.
"Ay ganun, tulakan na tayo ngayun Brandon?" saad ko sa kanya.
"Kanina ka pa kasi tinatawag ng organizer." Nagpapanic niyang saad.
Nasa rehearsal kasi kami para sa fashion show na gaganapin three days from now at ako ang maswerteng napili na magsuot ng final piece ng sikat na designer.
"Ako na ba?" nakataas kilay siyang tumango.
Nagpatuloy ang rehearsal at kahit ilang araw na kaming paulit-ulit na nagpapractice ay kinakabahan parin ako sa tuwing ako na ang maglalakad sa catwalk dahil hindi din basta-basta ang rumampa ng naka heels at ang haba-haba pa ng lalakaran. Buti na nga lang at sa finale na ako lalabas at isang mahabang beses lang ako rarampa.
Natapos ang rehearsal ng maayos at sa isang studio naman ang punta namin para sa shoot ng isang fashion magazine. Wala akong ka energy energy dahil si Lucas lang ang nasa isip ko, nagpapamiss masyado ang lolo niyo. Hindi ko yun papansinin pag uwi niya, kung kakayanin ko.
Dahil gusto ko nang umuwi ay ginalingan ko na masyado sa shoot para isang perfect shot lang bawat outfit at nang matapos na agad agad dahil gusto ko nang matulog at magpahinga. Para matawagan ko na din si Lucas este matawagan na niya ako, siya dapat ang tumawag sa akin dahil mahal ang international calls at siya itong mayaman.
"Brandon, hindi ko na kayang maglakad!" reklamo ko kay Brandon na nagliligpit ng gamit namin.
"Sus! Tigilan mo nga ako sa kaartehan mo Kana. Noon naman sa skwater halos ako pa ang buhatin mo kapag sinasamahan mo ako sa raket ko, wala kang reklamo tapos ngayun ganyan? Naku, naku tumahimik ka nalang kaya diyan at tulungan mo ako para makauwi na agad tayo." reklamo niya.
Nang nabanggit ni Brandon ang skwater ay parang isa isang pumasok sa isip ko ang mga mukha ng mga kapitbahay ko sa skwaters noon. Yung mga bata, yung mga suki namin sa talyer, kumusta na kaya sila? Nag-aaral na kaya sila Bubwit at mga kaibigan niya?
"Miss ko nang madumihan ang kamay ko Brandon." seryoso kong saad.
"Pasok kang cr tapos paglaruan mo yung tubig sa loob ng inidoro gamit yang dalawa mong kamay at solve agad for sure ang problema mo." Nabato ko tuloy siya ng brush dahil sa sinabi niyang nakakadiri.
"Seryoso ako Brandon, miss ko nang mag ayos ng sasakyan. Nakakamiss mag butingting ng makina at madumihan ng asete ganun." tuloy lang siya sa pagliligpit at parang walang narinig.
"Kung dalawin kaya natin sila at magpahanda tayo para sa lahat at magkumustahan." Nabuhayan ako at sumigla bigla dahil sa narinig mula kay Brandon, akala ko hindi niya ako narinig.
"Tama! Tapos dadalawin ko si Mang Onyok sa talyer." Kahit isang araw lang sa talyer ay sasaya na ako.
"Oo nga, tapos makikipag chikahan din ako sa mga kapwa ko beki dun." excited din niyang saad.
"Yung bahay ko, andun pa kaya?" bigla akong na curious, nakatayo pa kaya ang barong barong ko doon o baka sinira na at may nagpatayong iba.
"Well alam mo na ang skwater Kana, wag ka nalang umasa at baka may iba nang nakatira dun." kung may iba namang nakatira okay lang dahil at least may natulungan ang bahay na tinirhan ko ng ilang taon.
"Excited na tuloy ako Brandon." masigla kong saad.
"Wag ka kaya munang ma excite masyado at ikukunsulta pa muna natin yan kay Lucas. Alam mo na kahit lamok ipapahunting nun kapag kinagat ka Kana at alam mo na, kapag hindi natin siya sasabihan ng gagawin natin baka pareho pa tayong pagalitan at alam mo na din na masakit sa dibdib kapag matanda ka na at napagalitan ka pa." Yan din ang nakakaimbyerna kay Lucas, gusto niya alam niya lahat ang mga gagawin ko at kapag sinabi niyang NO, wala na talaga akong magagawa dun.
"Sus, papayag yun no. Alam naman niyang doon na tayo lumaki at kilala natin mga tao dun at higit sa lahat. Matagal na din tayong hindi nakakadalaw sa kanila." tumango lang siya peru kita ko sa mga mata niya na, sinasabi ng utak niya sa akin na wag akong umasa.
"Wag nalang tayo mag-ingay na pupunta tayong skwaters Brandon." Pinanlakihan niya ako ng mata, medyo natakot ako dahil parang kunti nalang mahuhulog na eyeballs niya sa sahig.
"Masama ang magsinungaling Kana alam mo yan at kahit gawin pa natin yan, sure parin ako na makakarating kay Lucas dahil halos pati ilang beses mo suklayin ang buhok mo araw araw ay nilalagay sa balita." tama nga naman siya at hindi ko din kakayanin na magsinungaling kay Lucas.
"Pagkatapos nalang ng fashion show tayo pumunta, sana hindi na ma extend ulit si Lucas para makasama siya o di kaya makapagpaalam tayo ng personal." Parang naglahong parang bula ang excitement na naramdaman ko kanina at balik tamlay na naman ang pakiramdam ko.
"Sus, wag nang malungkot. Malapit na sigurong umuwi si Lucas at sure ako miss ka na din nun." Buti nalang may kaibigan akong katulad nitong kasama ko ngayun.
Kahit pareho kaming baliw ay nagkakasundo kami at alam niya kung ano ang mga sasabihin niya sa akin sa mga panahon na ganito.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RastgeleWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...