CHAPTER THIRTY-EIGHT - KANA MEETS TRINA

6.6K 150 8
                                    

Kana's POV

Pagkatapos ng isang linggong pagka tengga sa sa condo ay sa wakas at balik trabaho na ako. Sobrang saya ko na medyo bad trip at the same time dahil kagaya ng sinabi ng hudlom na makakabalik lang ako sa trabaho kapag kasama siya, dahil nga daw hindi pa magaling ang paa ko kahit medyo okay na naman talaga.

Tatlong shoots ang pupuntahan ko today, ang dalawa ay sa isang studio kukunan at ang isa ay sa beach. Alas nuebe ng umaga ang call time ko kaya ngayun alas otso palang ay malapit na kami sa studio at ang personal driver namin ngayun ni Brandon ay si Lucas.

"Alam mo na gagawin mo dun Kana hah, pag di ka comfortable sabihin mo agad sa akin. May mga makakasama ka daw na models dun, mga experienced model na matagal na sa industriya kaya wag ka papakabog sa kanila." dada ni Brandon na nasa backseat.

"Opo, alam ko na gagawin ko." tipid kong sagot saka tiningnan ang direksyon ni Lucas.

"Hindi pala solo project ang pupuntahan natin today?" pagtataka niya.

"Pakisagot Brandon." si Brandon na bahalang magpaliwanag dahil sure ako na kapag ako ang nag explain sa kanya ay isa lang patutunguhan, away.

"Hindi siya solo shoot dahil may mga nauna nang endorser ang product at bago si Kana kaya sabay silang kukunan mamaya." paliwanag ni Brandon na mukhang hindi pa sapat sa klase ng paliwanag na gusto ni Lucas.

"As Kana's manager, bakit ka pumayag na hindi siya mabigyan ng solo shoot para sa kung ano mang product na to?" ayan na naman po siya.

"Well as her manager, i want her to try working with other models. Gusto kong masanay siya na hindi lang siya ang laging star sa isang shoot at gusto ko i challenge siya kung paano niya pakikinangin ang sarili niya kasama ang mga mas experienced na models."  sa boses pa lang ni Brandon ay alam ko nang kunti nalang ay tatalakan na niya si Lucas.

"Well yeah she's new to this modeling thing, peru mas big time pa siya kaysa sa mga experienced models dito sa Pilipinas. She's a cover worthy model at hindi niya kailangang makipag kompitensya sa iba." saad niya habang nakatuon ang atensyon sa daan at sure ako na kapag lumingon ako ay namumula na sa inis si Brandon.

"I can clearly see your point Mr. St-Pierre, but as her manager i know what's good and not for her. She's like a sister to me at hindi ako gagawa ng desisyon na alam kong ikakasira ng career niya." pigil na pigil sumabog na sagot ni Brandon.

Sa awa ng panginoong maykapal ay hindi na nasundan pa ang sagutan nilang dalawa at naging tahimik na ang lahat hanggang sa makarating kami sa building kung saan gagawin ang shoot. Dala ni Brandon ang mga gagamitin namin sa shoot habang si Lucas ay comportableng naglalakad kasabay ko habang hawak ang kamay ko. Casual na casual siya sa araw na to, maong pants, white v-neck shirt na fit sa kanya at hindi gaya ng pag pumapasok siya sa opisina, ang buhok niya ngayun ay medyo magulo peru bagay naman sa kanya.

Pagpasok namin ng building ay nasa amin na ang mga mata ng mga tao, alam kong hindi dahil sa akin kundi dahil dito kay Lucas. Para siyang magnet at ang mga nadadaanan namin ay metal na naa-attract agad sa kanya. Pagdating namin sa floor kung saan gaganapin ang shoot ay may umasist sa amin papunta sa dressing room. Hindi gaya ng mga shoots namin dati na may sarili akong dressing room, ngayun ay iisang dressing room lang ang paghahatian ng apat na modelo.

Busy na ang glam squad ng tatlong modelo pagpasok namin at halos lahat ng space ay nasa kanila na kaya nang may mahanap na sulok si Brandon ay agad niya akong hinila at pinaupo sa bakanteng upuan. Inihanda niya ang gamit niya at saka ako sinimulang ayusan, natanaw ko si Lucas na umiiling sa likod ko na parang hindi nagugustuhan ang nangyayari.

"She doesn't deserved to be treated like this you know?" biglang saad ni Lucas kay Brandon na busy sa kakaayos sa akin.

"This is the real modeling life Mr. St-Pierre. If you aren't given a space, look for one." muling umiling si Lucas.

"They know she's my girlfriend but they are treating her like rag here." hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya peru sure ako na naiinis siya dahil sa mabilis na paghinga niya at ang labi niya at pinipilit niyang kagatin para hindi siya mapasigaw sa galit.

"Well sorry to tell you Mr. St-Pierre, hindi po lahat ng tao ay takot sa inyu at hahalik sa paa niyo." mas lalong na beast mode si Lucas at ayokong sumabog siya dito dahil nakakahiya.

Hinawakan ko ang isang kamay niya ng mahigpit, kung nabigla ako sa ginawa ko ayas nabigla siya dahil matagal niyang tiningnan ang pagkakahawak ko sa kamay niya bago parang sumink-in sa utak niya ang nangyayari. Nang tingnan niya ako ay wala na ang galit na nakita ko kanina.

"Chill okay?" tumango naman siya.

Natapos akong ayusan ni Brandon na nakahawak lang ang isang kamay ko sa kamay ni Lucas. Ramdam ko ang mga mata ng ibang models at team nila na panay ang tingin sa amin.

Magaganda sila, sobrang kikinis at parang mga manika at sa aming apat ako lang ang blonde ang buhok. Base sa mga mukha at mata nila ay alam kong hindi din sila purong Filipina. Nakakaramdam ako ng kaba dahil first time kong sasabak sa shoot na may kasamang ibang modelo na hindi ko kilala.

Papunta na kami sa studio kung saan gagawin ang shoot at naunang naglalakad sa akin sina Lucas at Brandon na tila may pinagtatalunan na naman.

"Kana right?" biglang sulpot ng makakasama ko sa shoot na modelo.

"Oo." tipid kong sagot.

"I'm Trina." pakilala niya.

"Ikinagagalak kitang makilala Trina." inilahad ko ang kamay ko para sana kamayan siya peru hindi niya tinanggap yun at tinaasan pa ako ng kilay kaya napatigil ako sa paglalakad at tumigil din siya at hinarap ako.

"It's not that nice to finally meet a gold digger like you. Actually nabigla ako dahil sa picture ka lang pala maganda at hindi sa personal." pagtataray niya sa akin.

Mas matangkad ako ng di hamak sa babaeng to at sa payat niya ay kaya ko siyang baliin ng pinong pino. Maganda siya peru parang gawa ang labi niya dahil sobrang kapal at parang nakagat ng bubuyog.

"I've been in this business for years at ikaw wala ka pang taon right? Kaya galingan mo mamaya hah, baka after this shoot ay sa basurahan ka na pulutin." dagdag pa niya. Alam niyo yung gusto kong mainis peru hindi ko feel na mainis sa mga pinagsasabi niya? Sa halip ay gusto ko pang tumawa dahil ganitong ganito yung mga napapanood ko sa TV eh.

"Galingan mo din mamaya Trina hah, baka pagkatapos din ng shoot na to ay tuluyan ka nang mag retiro." akala niya matatakot ako sa kanya, sirain ko pa mukha niya gamit kamao ko eh. Makikilala talaga niya kung sino si Kanang taga skwater.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon