CHAPTER SIXTY-SEVEN - White lies

6.2K 125 0
                                        

Brandons POV

Ilang hakbang nalang ako mula sa kwarto ni Kana nang may nakita akong lalaking nakasuot ng hoodie jacket at pasilip silip sa pinto ng kwarto. Kung ano-anu agad ang pumasok sa utak ko at baka taohan yan ng somabotahe kay Lucas at planong patayin or saktan si Kana. Dahan dahan kong kinapa ang cellphone ko sa bag peru  dahil maswerte akong tao ay wala ang cellphone ko doon. Agad akong naghanap ng taong pwedeng tumulong sa akin peru dahil maswerte nga ako ay walang katao tao ang hallway, dahil puro private rooms ang nasa floor na ito.

"Mag isip ka Brandon, wag kang lalamya lamya dahil buhay ng baliw mong kaibigan ang nakasalalay dito." bulong ko sa sarili ko.

Nakasilip parin ang kung sino mang matangkad na tao sa pinto ng room ni Kana at wala na akong ibang option kundi ang ilabas ang itinatago tago kong lakas. Dahan dahan akong naglakad papalapit sa lalaki at nang nasa mismong likuran na niya ako ay pikit mata at buong lakas ko siyang sinuntok sa batok. Mga isang minuto siguro ang lumipas saka ako dumilat at nagulat ako nang parang wala man lang siyang paki sa pagsuntok ko sa kanya at nakasilip parin siya sa pinto. Bigla bigla namang may pumasok sa isipan ko at nanlaki ang mata ko.

Sumigaw ako ng pagka lakas lakas, ay hindi pala sigaw kundi tili. Tumili ako ng pagkalakas lakas na maririnig siguro hanggang sa skwaters. Peru wala parin siyang pakialam sa mga ginagawa ko at nakatutok lang talaga siya kay Kana.

"Please, umalis ka. Napakabuting tao ni Kana, wala siyang ibang ginawa kundi tulungan ang kapwa niya. Ngayun lang niya nakilala ang pamilya niya at napaka unfair mo naman kung hindi mo siya bibigyan ng chance na makasama sila. Please wag mo munang kunin si Kana." lumuhod na ako at nagmakaawa sa likod niya. Mas lalo akong napatili nang sa wakas ay lumingon na siya sa akin.

"What the hell are you doing?" kunot noo niyang tanong.

"Akala ko ikaw na ang susundo kay Kana papunta sa kabilang side eh." reklamo ko saka tumayo at inayos ang sarili.

"Why are you thinking like that?" tanong niya ulit.

"Eh ikaw ba namang hindi namamansin, kanina pa ako dito sa likod mo nasuntok pa kita peru parang wala kang nararamdaman. Bakit kasi hindi ka pumasok at pinahihirapan mo sarili mo kakasilip diyan." saad ko.

"Hindi niya magugustuhan for sure. Ayaw niya na sa akin." parang araw na tinabunan ng itim na ulap ang mukha niya, dumilim at lumungkot.

"Kaya nga ba nakaka discouraged ma inlove eh. Pareho kayong naghihintayan kung sino ang unang gagawa ng move o kaya kung sino ang unang lumapit." napailing nalang ako.

"I want to talk to her peru alam ko pag nakita niya ako masasaktan ko lang siya, maaalala niya lang ang kagagohan ko." kung pwede ko lang sampalin ng isang milyong beses tong taong to ay gagawin ko talaga.

"Alam na namin na hindi ikaw ang nag utos dun sa demolisyon Lucas, al ma ni Kana." nanlaki ang mga mata niya sa narinig.

"What did she say?  Ano ang reaction niya?" mabilis niyang tanong.

"Shocked syempre, akala niya kasi hindi mo na talaga siya mahal kaya pinagawa mo yun. Peru dahil nalaman namin na hindi ikaw ang nag utos, ay naku kausapin mo na agad siya at para magkaliwanagan na kayo." saad ko.

Muli siyang sumilip sa loob at pinagmasdang mabuti si Kana mula sa pintuan. Nakaramdam naman ako ng awa sa kanya sa totoo lang. Kung noong nasaksak si Kana ay ilang milyong beses ko siyang pinatay sa isip ko, ngayun naman ay parang sumisikip ang dibdib ko dahil sa awa sa kanya. Kahit para silang aso't pusa dalawa ni Kana ay alam ko na mahal nila ang isa't isa, alam kong mahal na mahal niya si Kana dahil sa pag-intindi niya lagi sa kabaliwan ng kaibigan ko, pag-intindi niya sa katigasan ng ulo ni Kana na minsan ay mas bata pa kay bubwit mag-isip.

Mahal nila ang isa't isa kaya pareho silang nasaktan dahil sa pagsubok na pareho nilang hindi nalampasan at ngayun ay pareho din silang naghihintayan kung sino ang unang lalapit at makikipagbati at alam na alam ko na hindi si Kana yun dahil magaling magpigil ang babaeng yun.

"Talk to her Lucas." saad ko at saka lang niya ako hinarap ulit.

"I want to Brandon, peru galit pa siya sa akin at ayokong pag sinubukan kong kausapin siya ay sa away na naman matapos ang lahat." may point naman siya dahil pinanganak ding sira ulo ang kaibigan ko at mas malaki pa sa earth ang pride. Well, parehas lang silang dalawa ni Lucas.

"So, magtitiis ka nalang diyan. Pasilip silip kahit pwede ka namang pumasok at kausapin siya, baka nga maka kiss ka pa." kinindatan ko siya para naman gumaan ng kunti ang mood.

"Kailangan ko lang ng lakas ng loob, tamang timing Brandon. Kakausapin ko siya, I'll explain everything to her, hihingi ako ng tawad at kahit lumuhod pa ako sa harap  niya gagawin ko." seryoso niyang saad.

"Pwede mo namang gawin yan ngayun eh, peru kung yan ang desisyon mo ikaw bahala. Basta ba wag mo masyado tagalan dahil baka dalhin na si Kana ng magulang niya sa spain Lucas." nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla.

"What? Ysa didn't tell me na dadalhin pala siya sa Spain ng parents niya?" tanong niya.

"Wala kasi si Ysa nung mapag-usapan nila ng parents  niya. Dadalhin siya doon for a new life daw, para makita niya ang bansa kung saan siya isinilang at para daw makilala niya ang mga relatives  ng Daddy niya." paliwanag ko.

"At hindi na siya babalik?" tanong niya ulit.

"Yan ang hindi ko alam, peru baka nga kasi doon  naka base ang company ng parents  niya at syempre tagapagmana so baka doon na nga siya titira." saad ko naman.

"And you're not coming with her?" tanong na naman niya.

"Hindi no! Gustuhin ko man ay hindi pwede dahil my pamilya din ako dito." napahilot nalang si Lucas sa kanyang noo saka mabilis na pumasok sa room ni Kana.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon