CHAPTER EIGHTY-SEVEN - ONE LAST CRY

5.4K 118 9
                                    

Kana's POV

Hindi ako nagising dahil sa ingay.

Hindi ako nagising dagil gusto na ng katawan kong gumising.

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo ko at sobrang dry ng lalamunan ko na dinaig pa ang desyerto sa pagka dry. Pagmulat ko ng mata ay nagulat na agad ako, kaya pumikit ako ulit dahil baka panaginip lang to o di kaya ay namamalikmata lang ako. Peru pagdilat ko ulit ay mas luminaw siya at mas luminaw din sa isip ko na hindi ko kwartu ko, kulay palang ng dingding ay nagsusumigaw nang kwarto ng lalake to. Gaya ng napapanood ko sa TV ay agad kong sinilip ang katawan ko sa ilalim ng kumot at boooooom!

"What the hell Kana, ano tong nagawa mo!!!!" kausap ko sa sarili ko saka binalot ang sarili ko ng kumot at hinanap ang damit ko.

Habang hinahanap ko ang damit ko ay mas rumehistro sa utak ko ang buong kwarto, hindi ko to kwarto peru pamilyar tong kwarto na to. Nanlaki ang mga mata ko nang ma realize ko kung nasaan ako ngayun. Hindi ako pwedeng hindi magulat dahil nasa kwarto ako ni Lucas, walang saplot sa katawan at sobrang sakit pa ng ulo. Paano ako nakarating dito?

Hindi ko mahanap ang damit ko kaya umupo nalang ako sa gilid ng kama at inisip mabuti kung paano ako nakarating dito, kung bakit ako walang saplot at higit sa lahat nasaan si Lucas.

"Anong ginawa mo Kana! Nakainom ka lang kung saan ka na napupunta." kausap ko na naman sa sarili ko.

Dumikit at parang nagliwanag ang word na inom sa utak ko at doon na, doon na parang slideshow na bumalik sa alaala ko lahat. Uminom ako mag-isa, nalasing, kumapal mukha at nagkalakas ng loob pumunta dito kasama ang napakaraming body guard, wait saan kaya sila natulog? Balik tayo sa kung ano ginagawa ko dito, so ayun nga lasing ako at nakita ko si Lucas. Pinahiga niya ako tapos, may nangyari sa amin. Oh my good lord may nangyari sa amin habang lasing ako, lasing ako tangna!

"Gising ka na pala." muntik na akong tumalon dahil sa pagkabigla.

"Ahhhm kanina ka pa diyan?" tanong ko habang hinihigpitan ang pagkakabalot ng kumot sa aking katawan.

"Yeah, I heard you talking to yourself at hindi na kita inistorbo dahil baka hindi mo pa tapos kausapin ang sarili mo." nagbibiro na siya ngayun?

Naka suit na siya at handa na yatang pumasok sa trabaho, malamig ang mga mata niyang nakatingin sa akin at tila sobrang lalim ng iniisip. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tumigil nang isang dangkal nalang ang layo naming dalawa, nang hindi ko na mapigil ang sarili ko ay niyakap ko siya ng mahigpit, sobrang higpit na kulang nalang ata ay mapisa siya peru dahil may mga muscle siya ay malabong mapisa ko siya.

"I missed you." bulong ko sa kanya.

"Stop Kana." tinulak niya ako ng mahina palayo sa kanya.

"What's wrong?" gulat kong tanong sa kanya.

"This, this is wrong. You being here is wrong, what happened last night was wrong Kana." biglang napuno ng frustration at galit ang mga mata niya.

"Walang mali Lucas, pinaglalapit tayong muli ng tadhana dahil walang mali sa relasyon natin. Mahal kita at mahal mo ako, walang mali dun." paliwanag ko habang pinipigilan ang maiyak.

"I don't love you anymore." parang malakas na sampal sa magkabilang pisngi ang sinabi niya, hindi siya sumigaw peru umalingawngaw sa tenga ko ang bawat salitang lumabas bibig niya.

"If this is a prank stop it Lucas, hindi siya nakakatawa." tumawa pa ako.

"I am not kidding Kana, I don't love you anymore. Wala na akong nararamdaman sayo, hindi na kita gusto." katumbas ng bawat salitang lumabas sa bibig niya ay isang saksak sa puso ko, masakit peru nilalabanan ko dahil alam ko at ramdam ko na mahal niya ako.

"Hindi yan ang naramdaman ko kagabi Lucas, hindi naman yata pwedeng kagabi lang mahal mo ako tapos ngayun wala na? Ano yun load na may expiration?" sarcastiko kong saad sa kanya.

"Lalaki ako Kana, kahit sinong babae ang itabi sa akin sa gabi will surely make my penis  damn hard Kana. That's what happened last night, it wasn't love Kana. It's lust." hinayaan ko na, hinayaan kong tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

Tiningnan ko lang siya at nakatingin naman siya sa akin pabalik. Masikip na ang dibdib ko dahil sa sakit, peru nanatili ako sa harap niya. I want him to see all the pain that he's giving me right now, I want him to see every tear that's falling because of him. Na double kill niya ako, masakit nung first blood peru mas masakit ngayun.

"Magbihis ka." inabutan niya ako ng paper bag na kinuha ko naman at sinuot ang underwear, shorts at oversized hoodie na laman ng paper bag. Inayos ko ang sarili ko, pinunasan ko ang mga luha sa pisngi ko at saka muli siyang hinarap.

"Wala na ba talaga tayong pag-asa Lucas? Kaya ko namang lumaban eh, I can fight for the both of us, we can make this work. Marami nang nagbabantay sa akin kaya hindi na makakalapit sa Fernan sa akin, hindi na ako mapapahamak Lucas, please let's make this work." nilakasan ko na ang loob kong tanungin siya.

"I'm sorry Kana." he tried to take my hand peru agad ko tong pinasok sa bulsa ng hoodie.

"My parents are taking me to Spain at hindi ko alam kung babalik pa kami." medyo nagulat siya sa narinig peru agad niya iyong tinabunan ng blankong ekspresyon.

"Mas makakabuti para sayo ang malayo sa akin." saad niya habang iniiwas ang mga mata sa akin.

"Pag umalis ako dito sa harap mo, pag lumabas ako sa kwartong to, you will never see me again Lucas." nakatingin lang siya sa sapatos niya at hindi man lang nagsalita.

I took one step at nasa tabi ko na siya peru ganun parin ang posisyon niya, I took another step at nasa likuran na niya ako at nasa likuran ko na siya. Wala akong narinig sa kanya, hindi niya alam na deep inside ay nananalangin ako na pigilan niya ako, na sabihin niyang nagbago na ang isip niya at sabihin niya na mahal niya ako at hindi niya kayang wala ako sa tabi niya.

I took another step at parang sobrang layo ko na sa kanya peru wala parin akong narinig from him. Doon na muling bumuhos ang mga luha ko, binilisan ko na ang paglalakad palayo sa kanya dahil ayaw kong marinig niya ang paghagulhol ko, tumakbo ako papalayo sa kanya dahil ngayun na realise ko na he's letting me go at final na ang desisyon niya at hindi ko na mababago pa.

I guess that's it, he's letting me go, bumitiw siya.

Ito na ang huli. Huling pagkikita, huling pag-uusap at huling pag-iyak ko dahil sa kanya.

The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon