Kana's POV
Kakabalik ko lang sa dressing room bitbit ang kopya ng kontrata na dapat ko daw itago sabi ng hudlom, wala daw kahit sino ang dapat makabasa nito dahil pag nabasa ito ng iba at lumabas sa media ay sa korte daw kami magkikita. Tinakot pa talaga niya ako, akala naman niya natatakot ako, siya na nga tong tinutulungan siya pa tong nambabanta. Kung wala lang talaga akong puso naku! Hahayaan ko siyang mabalot ng dumi ang pangalan niya, tutulungan ko siya dahil kahit wala naman akong masamang ginawa ay alam kong ako ang sisisihin niya at pang habang buhay na sisi yun sugurado.
"Ano yang hawak mo?" biglang tanong ni Brandon na busy sa kakaligpit ng mga gamit niya, tapos na kasi ang shoot namin para sa araw na to.
"Isa na namang kontrata mula sa hari." nagsalubong ang kilay niya nang marinig ang salitang kontrata.
"Anong kontrata? Tapos na tayo dun ah, wala na tayong dapat pirmahan na kontrata, at bakit hindi mo sinabi sa akin yan?" inagaw niya sa akin ang papel.
"Biglaan kasi at busy ka sa kakatingin mo sa mga pictures." kinabahan ako nang nakita siyang nanlaki ang mata habang patuloy na binabasa ang kontrata.
"Bakit mo pinirmahan to? Diba sabi ko pag may mga ganitong bagay nasa tabi mo ako at higit sa lahat dapat pag may pinipirmahan ka babasahin mo?" bakit siya galit?
"Pinirmahan ko yan dahil gusto ko ngang tulungan ang hudlom na yun at hindi na kita tinawag dahil busy ka nga at wala naman sigurong masamang nandiyan para kailangan ko pang basahin talaga." idinikit niya ang papel sa mukha ko na medyo may kalakasan.
"Wala? Ayan basahin mo!" kinuha ko naman ng papel at binasa ang laman.
Halos wala naman akong naintindihan dahil english nga at yung ibang words hindi ko pa nakakasalubong since birth kaya ang hirap.
"Ano ba kasi ibig sabihin nito?" sumuko na ako, binawi niya sa akin ang papel.
"Ang ibig sabihin lang naman nitong pinirmahan mong kontrata ay, pumapayag kang magpanggap kayong magkasintahan ni Mr. St-Pierre." yun lang? Sus ang OA talaga ng reaction ng baklang to.
"Yun nga! Ano naman ang sobrang nakakapag-alala dun?" tanong ko sa kanya.
"Ang nakakapag-alala ay ito. Habang nagpapanggap kayong magkasintahan dapat kasama ka niya lagi sa lahat ng dadaluhan niyang pagtitipon, hindi mo maaaring ipaalam sa iba na nagpapanggap lang kayo, kapag maraming nakatingin dapat sweet kayo, dapat alam niya lahat ng gagawin mo, sasama siya sayo sa lahat ng lakad mo kung wala siyang meeting, hindi ka na pwedeng umuwi sa squaters at kapag nilabag mo lahat ng nakasaad sa kontratang ito, patong-patong na kaso ang isasampa niya sayo." nanigas ako sa kinauupuan ko, parang puzzle na kanya kanyang nabuo sa utak ko ang binasa ni Brandon.
"Ang hudas na yun! Ang sabi niya masisira ang pangalan niya kapag hindi ko siya tinulungan!" parang nanikip ang dibdib ko.
"Ano ba kasi ang pinagmula ng pagpayag mo!" litong tanong ni Brandon.
"Lumabas kasi kami sa balita, akala ng mga fans kami ng hudlom at yun ang simula." nasapo ni Brandon ang noo.
"Ganyan talaga ang mga fans, nag aassume sila at kahit anong gawin nila walang dumi ang mababahid sa pangalan ni Mr.St-Pierre. Sinakyan naman yun ni Mr. St-Pierre para matali ka sa kanya. Ikaw naman kasi ang sama ng ugali mo sa kanya ayan tuloy." at ako pa ang sinisi niya.
"Niloko niya ako! Para siyang budol-budol, salisi, scam at kung ano pang paraan ng pangloloko. Ang sama sama niya talaga!" umuusok ang ilong ko habang palakad-lakad sa harap ni Brandon.
"Napirmahan mo na ang kontrata, wala na tayong magagawa Kana. Sumakay nalang tayo, sumakay ka nalang." ako? Sasakay nalang sa mga paandar niya? Hahayaan ko siyang ganituhin ako?
Mabilis pa sa alas kawatrong lumabas ako ng dressing room at tinungo ang opisina ng hudlom. Pagdating ko sa floor ng opisina niya ay sinalubong ako ni Anna peru hindi ko siya pinansin at diretso lang akong pumasok.
"Kana-" habol sa akin ni Anna.
"Hoy hudas! Wala ka talagang puso alam mo yun? Kusang loob akong lumapit sayo para tulungan ka diyan sa gawa-gawa mong madudumihan ang pangalan mo! Hindi ako nag atubiling tulungan ka dahil kahit mataas pa sa building mo ang sungay mo ayokong mahila ka ng mga tao pababa dahil sa akin. Tapos ano? Lolokohin mo lang ako at pinagsamantalahan mo pa talaga ang kawalan ko ng alam para papirmahin dun sa kontratang yun? Ganun ka na ba talaga kasama?" Hinihingal ako nang matapos ang paglabas ko ng galit.
Dalawang minuto na ata akong nakatayo sa harap ng lamesa ng hudlom peru hindi parin siya humaharap at prenteng naka-upo lang at nakaharap sa labas ng building na napapahitnaan lang ng makapal na glass. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ko siya, nakasuot pala siya ng earphones at nakapikit ang mata, natutulog pa yata.
Tinitigin ko lang siya habang nakapikit siya, payapa siyang natutulog, hindi nakakunot ang noo at walang galit na mata akong nakikita. Gwapu siya, ngayun ko lang naamin sa sarili ko dahil sa nakikita ko sa harap ko, para iyang anghel na nagpapahinga mula sa kakabantay sa taong nakatuka sa kanya. Para siyang anghel na natutulog at maghihintay ng panibagong araw para sundan at protektahan ang taong nakaatas para sa kanya.
Kung hindi lang talaga pamangkin ni hudas ang taong to siguro nagustuhan ko na to, peru kasi nga mas masama pa siya sa tiyuhin niya galit ako sa kanya, ayoko sa kanya. Muling bumalik sa utak ko ang rason kung bakit ako pumunta dito. Hindi niya narinig malamang ang speech ko kanina at isa lang ang pumasok sa isip ko at hindi ko na napigilan ang sarili ko.
Buong lakas ko siyang sinuntok sa may mata, nang bukas makita ko siyang mukhang panda. Napangiwi pa ako sa sakit ng kamay ko pagkatapos.
"What the!" napatumba siya sa sahig at hinawakan ang kanang mata kung saan ko siya sinuntok.
"Masakit ba?" tanong ko sa kanya.
"What the hell's wrong with you!" sigaw niya habang nasa sahig parin.
"Alam mo, nakalabas na sana ako sa impyerno eh. Magbabagong buhay na sana ako peru heto na naman si satanas at pinadala ang pamangkin niya para guluhin ang buhay ko. Peru okay lang, kung gusto niyang makipaglaro, makikipaglaro ako!" saka ko siya tinalikuran.
Nagulat pa ako nang nanduon parin si Anna nakatayo habang nakabuka ang bibig at sobrang dilat ang mata at hindi na siya nag-iisa may katabi na siyang babaeng sobrang ganda at pamilyar na nakangiti at parang nagustuhan pa ang nakita. Hindi ko na sila pinansin at diretso nang umalis.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
