Kana's POV
Pagkatapos akong kunan ng statement ng mga police ay agad nilang hinanap si Anna at Fernan, agad nilang nahuli si Anna dahil nagkulong lang ito sa tinitirhang condo at nasiraan ng bait, habang si Fernan naman ay patuloy paring pinaghahanap ng mga alagad ng batas. Ang driver ko naman ay sa awa ng diyos nakaligtas din matapos ikulong ni Anna at Fernan sa isang abandunadong bahay di kalayuan sa pinagkulungan nila sa akin. May mga tao kasing naghinala kay Fernan sa tuwing maghahatid siya ng tubig sa driver ko kaya, pag-ali nito doon ay pinasok nila ang bahay at natagpuan nila ang driver ko doon na nakatali ang paa at kamay, habang may nakatakip na tape ang bibig.
Paglabas ko ng hospital ay hindi na ako tinantanan ng mga taga media at panay ang tanong sa akin kung ano ba talaga ang nangyari, hindi kasi kami nagbigay ng statement sa media tungkol sa nangyari sa akin at kami lang, mga pulis at yung mga tumulong sa akin ang may alam ng nangyari. My parents doesn't want the media to know about what happened peru, I convinced them na magsalita sa media at magbigay ng update about me dahil sabi nga ni Brandon I'm a celebrity now kaya parang may right ang mga supporters ko na malaman kung okay na ba ako at kung ano ba ang nangyari, para hindi na sila manghula and also for them to be aware din at makaiwas na mangyari sa kanila ang nangyari sa akin.
So ayun, nagpa presscon ang parents ko kasa ako, si Elliot at Lucas. Sumagot ako ng mga isang daang tanong during that day at sobrang sakit niya sa panga peru kinaya ko naman at para narin hindi na sila laging nakabuntot sa amin kapag lalabas kami. Pagkatapos ng lahat ng interviews, police statements at iba pa, ay balik normal na ang buhay ko. Normal na ang mga araw ko maliban sa may lagi nang nakabuntot na bodyguards sa akin at bawal na akong lumabas kapag hindi ko sila kasama lalo na at hindi pa nahuhuli si Fernan. Normal na ang mga araw mo maliban sa pagbabagong napapansin ko kay Lucas, hindi na siya ang Lucas na sinusungitan ako para lambingin ko siya, hindi na niya ako pinupuntahan sa bahay every morning at hindi na siya sweet sa akin. Kailangan ko pa siyang tawagan para makausap ko siya, kailangan ko pang magalit para puntahan niya ako at kailangan ko pang magsakit sakitan para pansinin niya. Nag iba na siya simula nang malaman niya na si Anna ang nagpakidnap sa akin.
"Are you okay?" tanong sa akin ni Elliot. Nasa garahe kami at nanonood lang ako sa kanya habang may tinitingnan siya sa sasakyan niya, gusto ko sanang tumulong peru ayaw niya dahil kailangan ko daw magpahinga at kumain dahil kunti nalang daw at pwede na akong decoration sa Halloween.
"I'm fine, I guess." walang ka emo-emosyon kong saad.
"I know you're not fine, you can tell me about it you know?" seryoso niyang saad sa akin.
"It's Lucas, he's not the same Lucas that I know before I got kidnapped. He changed a lot after he found out that Anna and Fernan kidnapped me and I don't know why, he's not even talking to me." akala ko kapag nasabi ko sa kanya ang iniisip ko ay gagaan ang loob ko peru hindi, dahil panay lang ang tulo ng luha ko.
"Oh no, don't cry. I'll talk to him, I'll tell him to talk to you just don't cry please?" natataranta niyang saad nang makitang may mga luhang dumadaloy sa aking pisngi.
"Don't! I want him to talk to me because he wants to, not because he needs to." saad ko saka nagpaalam na pupunta muna sa kwarto at magpapahinga.
Natulog ako, itinulog ko nalang ang sama ng loob ko dahil hindi ko naman masabi to sa kanya dahil lagi nga siyang busy at wala na siyang time sa akin. Well mas importante naman talaga sa kanya ang negosyo niya, baka nga totoo talaga yung sinabi ni Anna na promo lang ako ni Lucas at ngayun ay wala na akong silbi sa kanya kaya lumalayo na siya sa akin.
Babangon sana ako para kumuha ng tubig nang makita kong nasa upuan sa gilid ng kama ko si Lucas, he looks exhausted ans stressed. Pagod at malamig ang kanyang mga mata, mahahaba na din ang balbas niya, pati pag-ahit ay wala na din siyang time. Agad akong bumangon sa kama at niyakap siya ng mahigpit, sobrang higpit na parang ngayon lang kami nagkita ulit pagkatapos ng ilang taon.
"You're here." masaya kong saad.
"I'm here to tell you something important." wala akong makitang emosyon sa kanyang mga mata, sa kanyang buong mukha at hindi man lang niya ako niyakap pabalik.
"Ano yun?" tanong ko. Pinaupo niya ako sa gilid ng kama ko at tumayo siya sa harap ko.
"You've been through a lot Kana. Ilang beses nang nanganib ang buhay mo peru lumaban ka at nalampasan mo yun lahat because you're tough, you're a warrior. Isa kang mabuting tao na mas uunahin ang iba kaysa sa sarili mo, tatanggapin mo ang sakit na para sana sa kanila dahil ayaw mong makita silang nagdurusa. I admire you because of that, mas matapang ka pa nga kaysa sa akin." he's confusing me, bakit niya sinasabi sa akin to?
"Why are you telling me this?" tanong ko.
"Ssshhhhh just let me finish okay?" tumango nalang ako at nakinig sa kanya.
"Akala ko noon matapang na ako dahil napapasunod ko ng maayos ang mga empleyado ko, akala ko noon matapang na ako dahil kinakatakutan ako ng mga tao peru when I met you na realized ko na I'm not strong enough pala, may mas matapang pa pala sa akin. I want to be as strong as you Kana and that's why I am here in front of you right now." Hinalikan niya ang likod ng palad ko at pinisil iyun ng mahigpit.
"Lucas." tanging nasabi ko, hindi ko alam kung saad patungo ang mga sinasabi niya peru naiiyak na ako.
"I'm letting you go." nakapikit niyang saad sa harap ko habang hawak hawak ang mga kamay ko.
"Anong ibig mong sabihin?" nagsalubong ang kilay ko nang ma proseso ng utak ko ang sinabi niya.
"I'm breaking up with you Kana." para akong hinampas ng pagkalakas lakas na alon sa gitna ng kalmadong dagat.
"Is this a prank?" natatawa kong saad.
"No." tipid niyang sagot.
"Bakit Lucas? Dahil ba to sa sinabi ko sayo kung paano ako pinaliguan ni Fernan ng tam*d niya? Nadudumihan ka na sa akin?" napahagulhol ako sa isiping pinandidirihan na pala ako ni Lucas kaya ayaw niya na sa akin.
"Hindi, it's not because of that." saad niya.
"Then why Lucas, Why are you breaking up with me?"
"I'm breaking up with you because I'm putting your life at risk, ako Kana! Ako lagi ang dahilan kung bakit laging napupunta sa panganib ang buhay mo, hindi ako makakabuti sayo Kana. Kaya please let's make it easy." saad niya.
"You want this break up to be easy? Hell no Lucas, I love you. I love you Lucas, mahal kita tapos ganito lang? Iiwan mo lang ako dahil sa mga nangyari? I fought for my life because I know you're waiting for me Lucas, I fought for my life because I know you'll get hurt if I wont." tiningnan ko siya sa mata peru wala akong ibang emosyon na nakita doon, I am talking while crying dahil sa sakit tapos wala akong makitang kahit katiting na emosyon mula sa kanya.
"Mas masasaktan ako kapag nanatili tayo sa isa't isa at maulit na naman ang lahat, na malagay na naman sa panganib ang buhay mo. Tama na ang dalawang beses Kana, hindi mo deserve ang ma saktan. You deserved to be Loved." sakit, yan ang nakita kong pilit niyang itinatago sa likod ng blanko niyang mga mata habang binibigkas ang bawat salitang lumabas sa bibig niya.
"Then love me Lucas." niyakap ko siya, pinakinggan ko ang tunog ng puso niya. Hindi na ito kasing bilis gaya ng dati, wala na ang nakakabinging tunog ng puso niya.
"I'm sorry." tinanggal niya ang mga kamay ko na nakapulupot sa beywang niya saka siya umalis at iniwan akong mag-isa.
He's gone, ge left me. Sana nalang pala hindi na ako lumaban, wala rin naman pala akong babalikan.
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RandomWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...