CHAPTER NINETY-FOUR - CONFIRMED

6K 124 9
                                    

Lucas's POV

"Lucasssss!" may tumatawag sa akin, may kumakalabit sa akin peru ayokong gumising dahil sa pagod.

"Lucas! Gising sabi eh!" medyo malakas na ang kalabit na ginagawa niya, naku talaga kung hindi ko lang talaga to mahal sa kabilang kwarto talaga to pupulutin.

"What?" bumangon ako at hinarap ko siya, nakaluhod siya sa kama at naka pout ang labi habang salubong ang kilay.

"Sinisigawan mo na ako?" inirapan pa niya ako.

"No, I'm not love alam mo diba malakas talaga boses ko kapag bagong gising." palusot ko kahit gusto nang pumikit ng nga mata ko.

"I want to play golf." pagkarinig na pagkarinig ko ng sinabi niya ay agad kong tiningnan ang relo ko, alas dos ng madaling araw.

"Sure ka? Love alas dos pa lang ng madaling araw, we can play golf all you want tomorrow kahit buong araw pa, peru for now matulog muna tayo okay? Halika, yakapin kita para makatulog ka ulit." yayakapin ko na sana siya peru inirapan lang niya ako at padabog siyang bumaba ng kama, nagsuot ng roba at tiningnan ako matalim.

"Kung ayaw mong mag laro edi wag! Kaya ko naman maglaro mag-isa, patunay lang talaga na hindi mo ako mahal dahil simpleng golf lang hindi mo pa ako masamahan. Lalo na siguro kapag lumabas na tong baby, babaliwalain mo na ako at maghahanap ka na ng iba." saka niya ako iniwan mag-isa. Simply nga lang naman kasi ang golf, peru ang mag laro ng alas dos ng madaling araw ay ibang usapan na.

I've been having a hard time with her, yes tinanggap niya ako at sinabi niya she's willing to give me another chance peru dapat paghirapan ko daw, hindi ko naman inakala na ang ibig sabihin ng paghirapan ko daw ay grabeng paghihirap talaga. Wala pa akong isang linggo dito sa Spain eh marami na akong pinagdaanan with her, gaya nung first night na magkatabi kami natulog, sa guest room kasi dapat ako papatulugin ng mom niya peru isang text lang niya ng "In my room!" ay tiklop agad ako, katakot takot na exclamation point ang kasama ng text niya na kahit pinakamatapang na sisiw ay manginginig ang tuhod. So ayun nga, magkatabi kaming natulog at......

Flashback

Mahimbing ang tulog ko, dahil narin siguro sa haba ng byahe at pagod ng isip at katawan ko. First time ko din ata nakatulog ng ganito ka himbing since our break up kaya sinusulit ko talaga, peru isang napakalakas na sigaw ang gumising sa akin na nagpatalon sa akin sa kama.

"Anong nangyari? May magnanakaw ba? Ano?" hindi siya nagsalita at tiningnan lang ako ng masama bago tiningnan ang sarili niya sa ilalim ng kumot.

"Did we have sex?" bigla niyang tanong na nagpalaki ng mga mata ko, ano naman ngayun kung nag sex nga kami?

"Why?" sinagot ko ng tanong ang tanong niya.

"Why am I naked?" medyo namumula na ang leeg niya meaning, galit na siya at kunti nalang ay sasabog na kaya dumistansya ako ng kaunti.

"Pawis na pawis ka kagabi kahit malakas ang aircon kaya naisipan mong maghubad ng damit." Paliwanag ko na alam kong hindi masyadong bumenta sa kanya.

"Siguruhin mo Lucas ha." umaapoy ang mga mata niya habang sinasabi niya yun.

"Ngayun ka pa natakot na may mangyari sa atin eh magkakababy na nga tayo eh." pabulong kong saad peru dahil mehsa aso ang tenga niya ay syempre narinig niya. Hindi pa man ako nakakapag-isip ng palusot para bawiin ang sinabi ko ay naglanding na ang first flight ng unan sa mukha ko.

"Hoy Lucas! Hindi dahil magkakaanak na tayo ay pwede na mo na akong gamitin ng ganun ganun nalang!" Lord have mercy on me, ganito na ngayun paano pa kaya ten years from now?

"Ako gagamitin ka Love? Never! Dahil hindi ako nagpunta dito para gamitin ka lang, nandito ako para mahalin ka." alam kong kinikilig siya at gustong gustong ngumiti ng mga labi niya peru pinipigilan niya, sobrang cute tuloy tingnan.

"Kung ano anu sinasabi mo, hanapin mo nga damit ko."

End of Flashback

Confirmed!

Tatlong buwan na siyang buntis, syempre ako ama at daig ko pa nanalo sa jackpot prize ng lotto nang ma kompirma kong nagdadalawang tao este nagdadalang tao talaga siya. Masaya ako sa nalaman ko peru kabaliktaran naman ang ginagawa ni Kana sa akin, tinanggap nga niya ako panay naman ang pagsusungit sa akin at maliit na mali ko lang ay naku sinisermonan na ako, mainit ulo niya sa akin at hindi ko alam kung bakit.

Sinundan ko siya at yun nga, diretso siya sa likod ng mansion nila kung saan may napakalawak na lugar kung saan naglalaro ng golf ang Dad niya at mga kaibigan nito, nakapaglaro na ako dito isan beses nang imbitahan ako ng Dad ni Kana peru ang ending galit na naman siya sa akin dahil natalo daw ako. Napapalibutan ng ilaw ang buong lugar kaya medyo maliwanag naman at pwedeng pwede pang maglaro.

"Maglalaro ka talaga?" tanong ko habang nakasunod sa kanya.

"Pupunta ba ako dito kung ayaw ko?" sarkastiko niyang sagot.

"I told you pwede naman bukas diba?" saad ko.

"Hindi naman kita pinipilit eh, kung ayaw mo nga doon ka nalang sa kwarto at matulog dahil dito lang ako! Maglalaro ako kahit hanggang umaga pa dahil kanina pa nasa isip ko tong golf at hindi siya mawala wala. Gusto kong matulog yes, peru mas gusto kong maglaro ng golf." saad niya habang ang boses ay papunta na sa pag-iyak, na research ko na emotional daw ang mga buntis.

"Halika ka nga." lumapit naman siya kaya agad ko siyang kinulong sa aking yakap. "Gusto mo talagang maglaro?" Tumango siya ng mabilis. "Let's play then!" hinalikan ko siya sa noo at isang mahigpit na yakap naman ang natanggap ko pabalik.

"Thank you." and now she's crying.

"You can't play while crying Love, matatalo ka kapag ganyan." biro ko.

"So tatalunin mo ako? Hindi mo ako bibigyan ng chance manalo?" and now she's mad again.

"Well dahil dalawa kayong kalaban ko, baka matalo niyo ako." tiningnan ko lang siya habang hinihimas niya ang tiyan niya.

"Let's beat Daddy's ass Baby." bulong niya sa tiyan niya na alam kong medyo nilakasan para marinig ko.

Nakipaglaro ako sa kanya, hindi siya kagalingan sa golf to be honest peru mas lalong hindi ko ginalingan to make her happy, masarap kasi sa tenga ang mga halakhak niya sa tuwing hindi ko nasoshoot ang bola. Nang napagod na siya sa kakalaro at kakalakad ay nagpakarga na siya sakin, gusto ko bridal style peru gusto niyang mag piggy back ride, hinayaan ko nalang alang alang sa katahimikan ng Espanya.

"Love." tawag ko sa kanya peru wala akong sagot na narinig habang nakasakay siya sa likod ko at papasok na kami ng mansyon.

"Kana?" tawag ko ulit sa kanya peru wala parin, nakatulog ata dahil sa pagod.

Pagdating namin sa kwarto ay dahan dahan ko siyang ibinaba sa kama, tulog nga siya. I removed her shoes at binalot siya ng kumot, menasahe ko ang paa niya dahil sure ako na bukas ay yan na naman ang irereklamo niya sa akin. Pagkatapos kong imassage ang dalawang paa niya ay ako naman ang sumampa sa kama.

"Lord please give me enough sleep that can sustain me the whole day and please keep this woman and our baby inside her away from any harm, sa akin nalang po ang sakit kung meron man, wag na sa kanila lord dahil hindi ko kakayanin kapag makikita kong nasasaktan sila." saka ako nagpalamon sa antok at pagod ng katawan dahil sa buong araw na pagmamahal at pag-aalaga sa babaeng bumihag sa puso ko.





The Billionaire's GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon