Lucas's POV
"I want the designs to be revised, I want to see more details, I want it be unique and new to the eye of the people. Let's not copy other peoples work, let's try to make our own work and make it better than theirs. That's it for now, I want to see progress everyone! Back to work." Nauna na akong tumayo sa kanilang lahat at agad tumungo sa opisina.
Pagkaupo na pagkaupo ko sa swivel chair ko ay ang phone ko agad ang tiningnan ko at tingin ko lahat ng dugo ko sa katawan ay umakyat sa utak ko, sabay na umusok ang ilong at tenga ko dahil sa nakikita ko. Yung italyanong may begote, tinag si Kana ng picture nilang dalawa habang nasa candle lit dinner, they are staring at each other na parang may sarili silang mundo.
angelo"Love at first sight! I love you and our baby @amerikana . Can't wait to spend the rest of my life with you two."
Ito ba ang nagustuhan ni Kana sa kanya? Ang kakornyhan niya? Daig pa ang seventeen years old na first time umibig sa caption niya, so siya nga ang ama ng dinadala ni Kana? Mukha namang hindi marunong gumawa ng baby tong taong to at mukhang mas pipiliin pa niyang suklayin ang bigote niya kaysa alagaan si Kana.
"Sir you have a visi-"
"Don't let anybody disturb me Niel! Nasa mapanganib na sitwasyon ako ngayun at kapag may umistorbo sa akin ay pwedeng mawala sa akin lahat at kapag nangyari yun, ikaw ang mananagot!" sigaw ko sa kanya na nagpaalis sa kulay niya at sobrang putla na niya ngayun, siya ang ipinampalit ko kay Anna. Maayos mag trabaho peru nerbyoso.
"Ye-yes sir." at naglaho siyang parang bula.
Tiningnan kong muli ang post habang pabalik balik na naglakad sa buong opisina ko. Hindi ko alam ang gagawin, habang sobrang kumukulo na ang dugo ko at ano mang oras ay sasabog na ata. Hindi ko kayang maging normal na Lucas, hindi ko kayang kumalma sa mga sitwasyon na ganito. Ayoko ng sitwasyon na ganito dahil hindi ako marunong mag solve ng mga ganitong nakakapikon na bagay.
"Ysa, yes I need to call her. She knows what to do, alam niya gagawin." kausap ko sa sarili ko bago ko dinial ang number ni Ysa, sana lang ay nasa paligid lang siya at nagpapalipas oras.
"Alam ko na kung bakit ka tumawag at wala akong maitutulong sayo, bye!" She dropped my call, hindi pa man ako nakakapagsalita ay pinatayan na niya ako.
"God! Ysa, kung kailan kailangan kita saka naman tumitigas ang ulo mo." I tried calling her again.
"Don't call me again okay? Sabi mo ayaw mo na sa kanya diba at masaya ka nang makita na masaya siya kaya maglaway ka sa kasiyahan niya ngayun, mainggit ka dahil yan ang gusto mo eh! Magtiis ka Lucas, magtiis ka!" sermon niya sa akin.
"I changed my mind okay?" bigla siyang natahimik sa kabilang linya.
"What did you just say?" i rolled my eyes because of her question. Why do women has this say it again thing? Kahit sobrang lakas na at dinig na ng mga kapitbahay ang sinabi mo ay ipapaulit parin nila sayo.
"I want her back." halos pabulong kong saad.
"Peru buntis siya at hindi ikaw ang ama." saad naman niya.
"I don't care, if that baby's not really mine then I'll treat her as my own, I'll be the best father to her or him." naging malabo ang paningin ko dahil sa luhang numumuo sa aking mga mata.
"What if tanggihan ka niya gaya ng ginawa ni Sophia?" She asked.
"Susugal ako, itataya ko ang lahat basta alam ko mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Ang panghahawakan ko nalang ay yung pagmamahal niya sa akin..... Bago ko siya nasaktan." pinikit ko ang mga mata ko at pinakawalan ang mga luhang nais mahulog at makalaya mula sa pagkakakulong sa aking mga mata.
"Your flight is tomorrow so start packing." she dropped the call again.
Hindi parin ako mapakali at patuloy na tinitingnan ang post na padami na ng padami ang naglalalike at comment dahil nga sikat si Kana at siya ewan kung saan galing. Hindi ko talaga kayang pagkatiwalaan ang mukha niya at kitang kita na may hindi siya magandang gagawin eh, peru matalino si Kana at malakas sumuntok na sure akong hindi niya alam.
"Sir, pasensya na po talaga at umuulan na po ng tawag galing sa ibat ibang TV network at news channel, humihingi po sila ng statement niyo tungkol dun sa post ng romured father ng baby ni Kana Hererra." nerbyos na nerbyos na saad ni Niel.
"Sabihin mo i am too busy to give a fuck about that bastards god damn post!" isang malalim na paghinga, pagkatapos ay malakas na pagsara ng pinto ang narinig ko pagkatapos kong sigawan ulit siya.
Mga isa or dalawang oras din akong nakatunganga lang sa opisina at naghihintay ng post ni Kana, ilang beses ko nang pinanood ang stories niya peru hindi parin ako nagsasawang tingnan siya na masayang nakikipagkamayan sa mga empleyado nila. Hindi bodyfit ang suot niyang knee length dress kaya hindi bakat ang tiyan niya at parang hindi siya buntis tingnan.
Muntik nang mahulog ang phone ko dahil bigla nalang itong nag vibrate, naka on ang post notification ko sa profile ni Kana kaya kumabog ang dibdib ko nang makitang siya nga ang may bagong post. Agad ko iyong binuksan at parang nawala lahat ng pag-aalala ko dahil sa nakangiti niyang mukha na nasa picture habang yakap yakap ang isang jar na cookies ata ang laman.
amerikana " My eyes are close but I can clearly see the truth, your post made me mad but I can't help but smile because after this, you're blocked so goodbye.
P.s These cookies taste a lot more sweeter than your lies @angelo."
"That's my girl!" halos napasigaw ako dahil sa tuwa. Serves you right Angelo or whoever you are!
Walang connection yung italyanong Angelo kay Kana, makakahinga na ako ng maluwag at hindi ko na poproblemahin yung kumag na yun. Isa nalang ang kailangan maging malinaw at yun ay kung buntis nga ba talaga siya, peru buntis man o hindi susubukan ko paring makuha siya muli. Sapat na ang pagmamahal ko sa kanya para hindi siya sukuan ulit.
----------------------------------------------------------------------
Buntis nga ba talaga si Kana?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
RastgeleWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
