Kana's POV
Una mapait, masakit sa lalamonan at napakasama ng lasa. Sa pangalawa, pait nalang ang naiwan. Sa pangatlo, magkasundo na sila ng dila ko. Sa pang apat, pang lima at hindi ko na mabilang pa ay nalasahan ko na ang tinatagong sarap niya hanggang sa hindi ko namalayan naubos ko na pala ang buong bote ng alak na hindi ko mabasabasa ang pangalan. Magaan ang buong katawan ko, masarap sa pakiramdam, mabigat at gusto nang pumikit ng talukap ng mga mata ko, gusto ko ang nararamdaman ko ngayun. Sana ganito nalang lagi, sana hindi na mawala to hanggang sa tuluyan ko nang makalimutan ang lahat ng sakit.
Habang tinitingnan ko ang bote ay parang nakikita ko ang mukha ni Lucas doon. Ilang beses kong pinikit ang mga mata ko at baka namamalikmata lang ako peru bawat pagdilat ko ay andun parin ang mukha niya sa bote, salubong ang kilay at ang sungit sungit ng mukha.
"Hoy! Ikaw lalake ka, kailangan mo ba talaga akong iwan? Gago to, iiwan mo ako dahil ikaw yung dahilan kung bakit ilang beses na akong napahamak? Baliw ka! Baliw! Baliw!" dinuro duro ko pa ang bote.
"Hindi mo ba na isip na mas malalim at mabigat ang ginawa kong paglaban sa kamatayan makapiling mo lang? Hindi mo ba naisip yun ha? Sabihin na nating ikaw nga ang dahilan, peru mas mabigat na rason ang paglaban ko sa lahat kaya dapat sana mas lalo tayong maging matibay dapat eh, hindi yung mang iiwan ka nalang bigla." ang kaninang masungit na mukha niya sa bote ay nakangiti na.
"Nakuha mo pang ngumiti? Hindi mo ba alam ang sakit na naramdaman ko ha? Mas masakit pa ang ginawa mong pag iwan sa akin kaysa sa mga sampal ni Fernan at sa saksak nung kung sino mang taong yun. Doble ang sakit, triple pa nga kung iisiping mabuti. Samantalang ikaw parang wala lang nangyari, move on agad ganun?" sa kakasalita ko ay nakaramdam ako ng uhaw .
Kukuha sana ako ng inumin sa mini bar namin peru biglang gumalaw ang paligid kahit nakatayo lang ako at hindi naman ako gumagalaw. Hindi naman siguro lumilindol, baka ganito na talaga ka hightech ang panahon ngayun at pati tung mini bar ng bahay namin ay gumagalaw na. Sinubukan kong maglakad papunta sa likod ng bar counter kung saan nakalagay ang iba't ibang klasing inumin peru kahit tuwid naman ang lakad ko ay nababangga ako ng mga upuan, muntik pa akong matumba. Naku, kung ganito lang din ang hightech hightech na yan, ayoko ko na ng high tech nakakasakit ng ulo. Bumalik ako sa kinauupuan ko kanina at muli ay hinarap ko ang si Lucas este yung walang lamang bote.
"Ano nga pala ginagawa mo ngayun? Iniisip rin kaya ako? Ahhhh puntahan kaya kita, hindi ka naman ata lumipat ng condo." tinungo ko ang main door, ilang beses pa akong nabangga sa mga gamit sa sala buti nalang wala akong nabasag na gamit. Paglabas ko ng main door ay agad akong sinalubong ng isa sa mga security na binigay sa akin ni Daddy.
"Ma'am saan po kayo pupunta? Lasing na po kayo, pasok po kayo sa loob." saad niya habang inaalalayan ako, kahit tuwid naman ang lakad ko.
"Ay ang OA ni kuya, hindi po ako lasing kuya ahh. Pakitawag po driver ko may pupuntahan po kami." utos ko sa kanya.
"Hindi po kayo pwedeng umalis nang hindi kami kasama Ma'am." saad niya sa akin.
"Edi sumama kayo, simpleng bagay." napailing nalang siya at niradyohan ang mga kasama niya saka tinawagan ang driver ko.
Napapagitnaan ang sasakyan na sinasakyan ko ng dalawang van na puno ng naglalakihang armadong lalake at may isa ding nakasakay sa passengers seat ng sinasakyan ko. Daig ko pa ang state witness sa dami ng bantay ko, daig ko pa ang taong may alam ng formula na makakapagpabago ng takbo ng mundo sa dami ng nagbabantay sa akin. Paghinto ng sasakyan ay agad akong lumabas, naunang pumasok ng building ang mga bantay ko. Pagdating sa may elevator ay pinatigil ko silang lahat sa pagsunod sa akin.
"Dito lang kayo okay? Kaya ko na to, don't worry about me dahil this place is secured naman, mayayaman ang nakatira dito kaya wag kayong mag alala." ayaw pa sanang sumunod nung pinaka head nila peru pinandilatan ko siya ng mata kaya ayun pumayag din. Pinaghiwalay niya ang mga tauhan niya, wala akong takas dahil pinabantayan niya lahat ng exit. Tahimik na ang huong building dahil maghahating gabi na at yung nasa front desk na nadaanan namin kanina wala namang imik kahit may dala akong mga armadong lalake, kilala na kasi niya ako at lagi ako dito noon.
Habang nasa elevator ay mas lalong umikot ang paligid, peru pinipilit kong hindi mahilo. Nang bumukas ang pinto ng elevator ay agad akong lumabas, hindi na naman ako maliligaw dahil sa kanya ang buong floor ng building na to, laki laki ng tinitirhan niya kahit siya lang mag-isa. Dahil magaling ako at dala ko ang binigay niya sa aking card noon para malaya akong makalabas pasok sa condo niya, agad akong nakapasok. Hindi ko na binuksan ang ilaw at diretso nalang ako sa kwarto niya, tinadhana siguro at hindi nakalock ang pinto ng kwarto niya dahil dito lang ako walang susi.
Pagpasok na pagpasok ko sa kwarto niya ay agad akong sinalubong ng amoy niya, yung scent niya, yung bango niya. Miss na miss ko na ang amoy niya, parang ilang taon ko tong hindi naaamoy kahit buwan pa lang naman ang lumipas. Dahan dahan akong naglakad patungo sa kama niya, medyo madilim peru naaninag ko kung nasaan siya dahil sa bakabukas ang ilaw sa banyo niya. May pumatid sa paa ko na hindi ko alam kung ano, natumba ako at sumubsob sa kama.
"Holy shit! Who are you? " naalimpungatan siya dahil sa pagkabigla, agad siyang bumangon at binuksan ang ilaw. Tumayo ako sa at hinawakan ang ilong, baka naiwan sa kama dahil sa lakas ng pagkakasubsob ko.
"Kana? What are you doing here? Paano ka nakapasok?" sunod sunod niyang tanong.
"Hindi mo pa kasi nakukuha to kaya ginamit ko muna." natatawa kong saad.
"Are you drunk?" naka boxers lang siya at naka sando, ang gwapu niya tingnan.
"Am not." humahagikhik kong saad.
"Yes you are." mabilis siyang lumapit sa akin at inamoy ang hininga ko. "Paano ka nakarating dito, you're drunk."
"May isang batalyon akong kasama sa baba, hindi naman ako lasing dahil kung lasing ako hindi ako makakarating dito." hindi ko mapigilan ang sarili ko, lahat ng sinasabi ko ay nakakatawa para sa akin, ewan.
"Humiga ka." inalalayan niya ako at pinahiga sa kama niya, nang masigurong maayos ma ako ay aalis na sana siya.
"Tabihan mo ako Lucas." napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko.
"I can't." tipid niyang sagot.
"Please." huminga muna siya ng malalim bago muling humarap sa akin at tinabihan ako sa pagkakahiga. "Hug me, hug me tight Lucas." sinunod naman niya ako at niyakap ako ng mahigpit, then I felt him kiss my head.
"I missed you." I whispered, peru wala akong sagot na narinig.
Baka ako nalang talaga ang nakakamiss sa kung ano mang meron kami noon.
----------------------------------------------------------------------
Naranasan mo nang malasing ng sobra?
Ano ang pinakabaliw or nakakahiya na nagawa mo dahil sa kalasingan?
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Girl
AléatoireWalang pinag-aralan, nakatira sa skwaters, madumi, mabaho peru matapang. Yan si Ellise Cruz, dalawamput tatlong taong gulang, nasubok na ng panahon ang katatagan kaya nagkukubli sa pagiging matapang. Sa skwaters na kanyang tinitirahan, tinitingala s...
