CHAPTER THIRTY-SIX - SPRAINS AND PIMPLES

6.8K 161 4
                                        

Kana's POV

Walang namatay sa pagkatapilok peru merong namatay dahil aksidente sa sasakyan. Itong gagong si Lucas ay akala mo fifty-fifty na ako kung magpatakbo ng sasakyan, halos ewan na ako ng kaluluwa ko sa takot. Mabuti nalang ay nakarating kami ng hospital ng maayos at wala ni isang galos.

Peru akala niyo tapos na ang kabaliwan niya? Mali kayo dahil halos awayin na niya lahat ng nurse at doctor dun para matingnan lang ako agad, baliw diba?

"What's wrong with you people? Bakit ang bagal niyo kumilos!" beast mode niyang saad sa isang staff ng admitting area.

"I'm sorry for the short delay sir, the doctor is on his way na. Oras po kasi ng rounds niya sa mga pasyente." Paliwanag ng kawawang nurse.

"Ililipat na kita ng hospital." bubuhatin na naman sana niya ako peru pinigilan ko siya. "What?" tanong niya.

"Hoy ikaw! Umayos ka kaya, kung makasigaw ka akala mo naman pagmamay-ari mo ang buong hospital tumigil ka nga. Para malaman mo din, hindi pa ako mamamatay kahit bukas pa ako tingnan ng doctor no, kaya tigil tigilan mo yang pasigaw sigaw mo diyan." saad ko sa kanya.

"First of all i can shout wherever i want and to whoever i want Kana. Second, i can shout in their faces because they aren't doing their jobs well. Third, i own half of this hospital so they need to do whatever i say as fast as they can because i can fire them anytime i want." hindi na siya sumisigaw peru sobrang madiin naman ang pagkakasabi niya na yung panga niya gumagalaw na sa pagpipigil sumabog.

"O di ikaw na mayaman, ikaw na may-ari ng lahat ng negosyo sa buong Pilipinas, peru kahit ikaw nagpapasweldo sa kanila wala ka paring karapatang sigawan sila ng ganun. Tao lang sila, hindi nila kontrolado ang lahat at may mas nangangailangan pa ng atensyon kaysa sa akin." huminga lang siya ng malalim at tumabi sa akin.

"Masakit pa ba?" tumango lang ako bilang sagot.

Ilang minuto lang kaming naghintay at dumating na ang Doctor, dinala niya kami sa mismong opisina niya. Doctor din pala siya ng pamilya nila Lucas at hindi lang kami napuntahan agad kanina dahil nga may emergency sa isa sa mga pasyente niya.

Tiningnan niya ang paa ko at pina X-ray, hindi naman siya malala nagka sprain lang. Wag ko muna daw ipilit na ilakad ang paa ko ng mga ilang araw at magiging okay na daw ang lahat. Malayo sa bituka peru si Lucas kung makaasta akala isang bulate nalang ang hindi nakakapirma sa death certificate ko.

"Teka, nasaan sa Bubwit?" bigla kong naalala si Bubwit na kasama namin sa mall kanina.

"I asked Anna to get him at pinahatid ko na din sa kanila." saad niya habang buhat parin ako pabalik sa sasakyan namin.

Malapit ang mukha ko sa mukha niya kaya kitang kita ko kung gaano ka ganda ang kutis niya, wala ata siyang pores o hindi man lang ata siya nakaranas magkaroon ng pimples noong nagbibinata siya. Iba talaga kutis ng mayaman, ang lambot, makinis at sobrang linis na walang peklat.

"Matunaw ako sa kakatitig mo." Nakatingin na pala siya sa akin at nasa gilid na kami ng sasakyan niya na bukas na ang pinto.

"Hindi ka ba nagka pimples noon?" nagsalubong ang kilay niya sa tanong ko.

"Bakit?"

"Ang kinis ng mukha mo." seryoso kong saad na nagdulot ng ngiti mula sa kanyang mga labi.

"Wala sa pamilya namin ang nagkakapimples at since we were just kids tinuruan na kami ng proper hygiene." iba ang tinuturo samin sa ampunan nung bata pa kami eh.

Hindi na ako nagtanong pa at baka ano na naman ang lumabas sa bibig ko. Dumiretso na kami sa condo at palubog naman na din ang araw. Pinagbuksan kami ni Brandon na nanlaki ang mata nang nakita niyang buhat buhat ako ni Lucas.

"OMG!  Kayo na? Kayo na for real? As in real na real?" eksaherada niyang saad.

"Papasukin mo kaya muna kami bago ka magpaka OA?" agad naman niya niluwangan ang pagkakabukas ng pinto at pinapasok kami.

Ibinaba ako ni Lucas sa couch ng maingat at saka umupo sa tabi ko. Habang si Brandon naman ay nakatingin lang sa aming dalawa at hindi man ako manghuhula o nagbabasa ng isip ay alam na alam ko na ang iniisip niya.

"Hindi ka pa aalis?" tanong ko kay lucas.

"Ayaw mo ba ako dito?" ayaw ko ba siya?

"Fifty percent na ayaw at fifty percent  a hindi. Wala ka bang ibang lakad?" tanong ko ulit.

"Nope, i can leave if you don't want me here." malapit na talagang akong matuyuan ng dugo sa kakaintindi ng mga pa english quiz bee niya. Alam naman niyang kaunti lang ang naisulat ko sa utak ko na english words eh.

"Gusto ko kasi matulog at ipahinga ang paa ko." tumayo siya agad at bigla bigla na naman akong pinangko at dinala sa kwarto ko.

"Hoy, anong ginawa mo kay Kana at nakabalot ang isang paa niya?" biglang tanong ni Brandon kay Lucas.

"Your friend here sprained her own ankle. So kasalanan niya dahil nakalimutan niya kung paano ang tamang paglalakad." paliwanag niya kay Brandon na kokontrahin ko sana peru agad siyang naglakad patungo sa kwarto ko at ibinaba ako sa kama.
Inayos niya ang kumot at unan ko saka umalis ng walang pasabi.

Iba talaga ang takbo ng isip niya, pang out of this world. Ang isip niya ay isip ng alien ata at mabilis pa sa alas kwatro kung magbago ang mood niya at lahat na.

Nakapikit na ako at kunti nalang ay lalamunin na ako ng tulog nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. Gusto kong tingnan peru hindi ko na kayang idilat ang mata ko.  Hinayaan ko nalang na dumampi ang labi niya sa noo ko, hinayaan ko nalang na himas himasin niya ang buhok ko, hinayaan ko nalang na halikan niyang muli ang noo ko.

Hinayaan ko nalang dahil alam kong panaginip lang naman lahat ng ito.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon