CHAPTER THIRTY-THREE - LUCAS MEETS BUBWIT

7.1K 149 0
                                        

Kana's POV

Paglabas namin ng building ng comdo unit na tintirhan namin ni Brandon ay wala parin kaming imikan na Lucas. Hindi kami nag-uusap peru nakahawak ng mahigpit ang kaliwang kamay niya sa kanang kamay ko habang naglalakad kami, nagsimula na sanang kiligin si tangang puso nang maalala ko na para para lang pala sa mga press ang ginagawa niya.

"So saan mo gustong pumunta?" biglang tanong niya nang makasakay na kami sa sosyalan niyang sasakyan.

"Seryoso ka?" tanong ko sa kanya.

"Mukha bang hindi ako seryoso Kana?" inirapan ko nalang siya dahil sa ganyang mga sagot niya.

"Ikaw tong nag-aya tapos ako ang tatanungin mo kung saan tayo pupunta?" pabulong kong saad habang nakatanaw sa labas.

"Alam mo bang naririnig kita?" ang bobo pala bito eh.

"Kaya nga, sinadya kong lakasan para marinig mo!" bumuntong hininga lang siya at pinaharurot ang sasakyan niya.

Nakatanaw lang ako sa mga sasakyan ay taong nadadaanan namin hanggang sa may makita akong pamilyar na tao na tumatakbo sa kalsada.

"Ihinto mo!" bigla kong sigaw.

"What?" taka niyang tanong.

"Ihinto mo sabi!" muli kong sigaw sa kanya.

Hindi pa man tuluyang huminto ang sasakyan ay lumabas na ako at lakad takbong tinungo ang pamilyar na taong nakita ko kanina. Nabuhayan ako ng loob nang makita ko siyang nakaupo sa labas ng isang restaurant at hinihimas himas ang paa.

"Bubwit!" sigaw ko habang papalapit ako sa kanya.

Nang matanaw niya ako ay lumiwanag na parang bombilya ang mukha niya, sinalubong niya ako ng bungal na ngiti at agad akong niyakap.

"Ate Kana, miss na miss na po kita." naiiyak niyang saad.

"Miss na rin kita bubwit, sino kasama mo dito?" tiningnan ko ang paligid kung kasama ba niya ang ibang bata sa skwaters peru iba ang nakita ko, mga taong halos bawat galaw ko ay kinukuhanan ako ng picture ang nandoon.

"Kasama ko po sila Boknoy kanina kaya lang umalis na po sila." saad niya bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. "Ang ganda niyo po lalo ate Kana at sobrang gara po ng bestida niyo, mukhang mamahalin na po kayo ate Kana." natawa ako sa sinabi niya.

"Naku! lamang lang ako ng mga sampong paligo sayo kaya maligo ka araw-araw para mas lalo kang gumwapo." tumawa lang ang maliit na paslit dahil sa sinabi ko.

"Are you really out of your mind? Paano kung may nangyari sayo kanina?" hindi ko pa man siya nakikita alam kong namumula na ang mukha niya sa galit.

"Wala namang nangyari sa akin diba?  Chill ka lang pwede?" kinalabit ako ni Bubwit.

"Sino po siya ate Kana?" tanong niya habang palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Lucas.

"Siya si Kuya Lucas Bubwit ang.... "

"Hi Bubwit ako si Lucas ang boyfriend ng ate Kana mo." saad niya na hindi man lang ako pinatapos at pati bata ay idadamay niya sa kasinungalingan na ginagawa namin.

Iniabot ni Lucas ang kamay kay bubwit na tumingin muna sa akin at saka inabot ang kamay ni Lucas at nakipagkamay. Lumuhod si Lucas at ngumiti kay bubwit.

"You want to come with us?" tanong niya na hindi nasagot ni Bubwit at tumingala lang sa akin.

"Wag mo kasi inglesin, hindi ka niya maintindihan." tiningnan lang ako ni Lucas at umirap bago hinarap muli si Bubwit.

The Billionaire's GirlMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon