TIMER

518 6 0
                                    

Sinagot kita ng walang kaso
Dahil sabi mo ako'y mahal mo
Tinanggap kota at tinuring pagmamay ari ko
Ikaw pala ay may matinding sikreto

Alam kong madalas ay di tayo nagkikita
Pero alam mong mahal kita
Tunay na pagmamahal ang aking pinadadama
At tunay na pagmamahal din ang sayo ,yun ang aking inaakala

Bakit sa pakiramdam ko'y di ko na kaya
Di ko na kaya na matagalan pa
Ang relasyong hanggang dito lang pala
Ang tagal ng relasyon na hanggang ngayo'y di ko parin nadadama

Bakit nga ba?
Siguro sa minsanan lang ng ating pagkikita
Di nagkakasama, di na raramdaman ang isat isa

Nag sabi akong ayoko na
Sabi mo " yae na meron naman akong iba"
Kuhh sakit sa tenga
Syempre tinanong ko kung ilang months na
Ito ang di ko napaghandaan isasagot nya
Ang isang taon na palang relasyon nilang dalawa

Samantalang tatlong buwan palang kami
Kahit na paulit ulit kong isipin na di rin naman ako seryoso pero nakararamdam ng hapdi
Biruin mo ga namang sa lahat ay ikaw ang aking pinili
Kaya naman pala di kita maitali

May iba pala sayo'y nagmamay ari

Ang akin lang ikinagagalit
Nagpadala ako sa kanyang kulit
Nakagawa tuloy ako ng pagkakamaling maliit
Ang pagibig na akala mo nuo'y matamis yun pala nama'y mapait

Tanging masasabi ko lang sayo
Wag mo ng itu-two timer ang gf mong nagmamahal sayo ng totoo
At pede bang wag mo ng uulitin pa ito
Kase gf mo ang laging madidihado
At hindi ikaw, hindi sila, at hindi AKO

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon