Sa araw araw na buhay
Maraming napapatay
Maraming pumapatay
Maraming nawawalan ng buhayMga katwirang
Walang wala naman sa bagay na pinaglalaban
Mga kasinungalingan
Ang minsay nanaig sa hukuman
Basta my kayamanan
Walang matatalong laban
Basta sa gobyernoy my katayuan
Hinding hindi mapapanagot ang may kasalananMga bagay na araw araw kpng napapansin
Mga panalangin na hindi manlang nila dinggin
Mga pangangailangan na hndi man lang nila tugunin
Mga mahihirap na hindi manlang kayang pansinin at linguninMahilig lang silang mangurakot
Sa mata ng mapanghusga wala na silang takot
Basta sa kanilang bulsay mag maipapasok at my madudukot
Mahihirap ay pinagkakaitan ng perang kukurampotBayan ko
Eto ba ang pangakong pagbabago?
Ito pa ang silbe ng pagpapalit ng mamamalakad at pangulo
Ito ba ang magpapaginhawa sa buhay ng mga kababayan ko?
Kung hindi kelan saan ano paano
Mga tanong na napaka gulo
Mga tanong na nadadagdagan pa
Sa pag usbong ng pag asa
At sa huliy mauuwi lang sa walaKaming mahihirap
Ay patuloy na umaasa
Sa pagpapalit ng mamamahala
Na baka kamiy inyo ng mapansin
Na ang tulong nyuy kailangan namin
Mga panalangin namiy kahit minsan may dinggin
At ipakita sa amin ang pagbabago ng bayan natinHindi bat nakaupo kayo riyan
Para paahunin ang ating bayan
Hindi para mag payaman
Angkinin ang perang dapat ay pinaghahatian
Ng mga proyekto sa bansa natiy matugunanParang maging ang proyekto
Ay minsan riy napapakoMaging ang pag sasabatas
Ay minsan diy nakakautasHulihin ang nagdodroga
Upang maubos na
Pero wala sa usapang
Na silay ihantong sa kamatayan
Hindi sapat na dahilan
Ang kanilang panlalaban
Dahil kaya kayoy nasa ganyang katungkulan
Dahil kayoy inatasan at pinagkatiwalaan
Hindi para patayin at ikulong ang mga walang kasalanan
Pano uunlad ang bayan
Kung tayoy mga pasal sa kayaman
Kung ang nais lang natin ay mgawa ang ating mga kagustuhan
Pano masasaayos ang lipunan
Kung maging ang may mga katungkulan
Pinagkakatiwalaan at inaasahan
Ay sila pang naglilihim at nag tatago ng pera ng bayanMagising naman kayo sa katotohanan
Na kaylangan kayo ng inyong kababayan
Na kailangan namin kayo
Na kailangan nila ang pmumuno nyo
Bayan natin to
Bayan nyo
Bayan mo
Na ikaw pa mismo ang sumisira nito
Ikaw pa mismo ang nagdudurukot sa kababayan mo
Nasan ang pagtutulungan
Nasaan ang bayang my pagkakaisa
Gumawa naman tayo ng hakbang para itoy matapos na
Para walang ng namamantala
Para umahon na ang ating bansa
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan