Bitawan mo nang muli ang akin kamay
Simulang masanay na wala na ako sa iyong buhay
Gibaing muli ang sinimulan nating tulay
Papunta sa kasalukuyan nating makulayHanggang dito na lang
Hindi na kita masasamahan
Hindi na kita maalagaan
Hindi na kita kayang makasama sa kasalukuyanIipunin ko ang saya nang alaala
Ang tamis nag ngiti sa litrato pag ikaw ay kasama
Hindi ko kakalimutan ang tayong dalawa
Pero kinakailangan kong lisanin ka naAng bawat paglalakbay
Ay hindi mawawalan nang saysay
Dahil mahal
Tinuruan mo ko kung pano magmahal nang tunay
Tinuruan mo ko kung pano magpahalaga sa isang bagay
Pero sana itinuro mo rin
Na ang lahat sa mundoy kailangang tanggapin
Multi mo pagbabago moy kailangan paghandan
Sana naisipin ko na ang pagmamahal ay pigilan
Kase mahal
Ako na lang ang kumakapi sa patalim
Sa gitna ng dilim
Na kung datiy ikaw ang nag papaliwanag
Dumating sa punto nanapundi kat nanlaglagNagbago ka
Hindi na kita makilala
Hindi ko na alam kung sino ka
Pero pinasasalamatan kita
Kase kahit hindi na ikaw ang dati kong nakilala
Hindi ka sakin nagsawa
Sinamahan mo ko sa paglalakbay na sinimulan nating dalawaPero ngayon mahal
Gusto kong bumitaw
At tumigil sa pag lalakad
Gusto kong sabihin na tumitigil na ko sa pag hahangad
Na makasama ka
Na habang buhay na mahalin ka
Kase mahal tatapusin ko na
Kaya ko nang maglakbay mag isa
Yung hindi ka kasama
Kaya huminto ka na
Dahil ayaw ko na
Paalam mahal na mahal kita
-R💕
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan