Minahal naman kita ng sobra
Minahal naman kita ng labis labis pa
Pero parang may problema
Problema sa ating dalawaMahal! Alam mong lahat ay kaya kong gawin
Wag ka lang mawalay sakin
Wag lang manawa sa pagmamahalan natin
Ano ba talaga ang mali saakin?Di pa ba sapat ang atensyong araw araw ay sayo nakalaan?
Di pa ba sapat ang mga pagmamahal na nasayo nang lahat?
Di pa ba sapat ang oras na saiyo'y nauubos at natatapos?
Di pa ba sapat ang mga bagay na alam kong sayo lang nararapat?Kase mahal matagal ko ng napapansin
Na minsan ay sa iba ka na nakatingin
Na para bang pinapakita ng ekspresyon mo na gusto mo nang makawala at magkasala sa akinIiwan ako para sa iba
Sa iba na mas mararamdaman mo ang saya
Ang saya na saaki'y hindi mo nadama
Madadama mo sa kanila ang sapat na pagmamahal na hinahanap hanap mo noon paPero sana nakuntento ka
Inunawa ang sitwasyon nating dalawa
Nagtiis at umasang ito'y maayos pa
Baka sakaling nabago ko ang sarili at sayo'y naging sapat naTama ang narinig mo
Gagawin ko ang lahat para ang sarili'y mapagbago
Baka sakaling sapamamagitan nito
Isip mo'y magbago at handang mahalin ulit ako

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan