Isang araw na pag iibigan
Isang araw na pag aaliwan
Isang araw na pagbibigayan
At isang araw din nung ako'y iyong iniwanDi ako sanay na wala ka
Gusto ko na lagi kitang kasama
Gusto ko na laging nasa tabi kita
Kahit alam kong wala ka naAnong hikbi ng iyong pagka wala
Na para bang gusto kong magwala
Di ko na kya ang aking nadarama
Konting konti nalang at sasabog naBabalik ka pa ba?
Babalik pa ba sya?
Narito parin ako na umaasa
Na muli tayong magkakasamaKay tagal kitang sinamahan
Kay tagal nating nagmahalan
Iiwan mo lang ako ng ganun na lamang
Ng walang kahit anong dahilanMasaya ka na ba?
Na nakikita akong nagdurusa
O nalulungkot ka ba?
Na para bang gusto mong ibalik ang tayong dalawaMga tanong na gumugulo sa aking isipan
Na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan
Kay hirap palang ang isang tulad mo'y kalimutan
Isang taon, dalawang taon, tatlong taon ang pag lalaananNi minsan ba naisip mo na akoy balikan
Ni minsan ba naisip mong magparamdam
At bigyan ako ng isa hanggang isang daang rason kung bakit mo ako iniwan
At kung bakit ang dali dali mo kong bitawan at kalimutanAlam mo bang may sinasabi sila
Ikaw daw ay aking kalimutan na
Mga katulad mo daw ay marami pa
Ikaw daw ay palitan ko naHindi ganun kadali yun
Hindi nila alam ang pagmamahal na sa aki'y iyong ipinaramdam
Hindi nila alam kung anong saya ang aking naranasan
Hindi nila alam kung gaano ako nagtanga tangahan
Para lang mapagtibay ang ating pagmamahalanPero, hindi ko alam na sobra na pala
Masyado na akong naging tanga sa pag ibig nating dalawa
Pati pagmamahal sa aking sarili nasayo na
Ni isang pursyento walang natiraAlam mo kahit ganun masaya ako
Kahit na hindi ka nakuntento
Kahit na iniwan mo ako
Kahit na dinurog mo yung puso koBabalik ka pa ba?
Mararamdaman ko pa ba ulit ang sayang ibinigay mo
Na naging dahilan kung bakit ako ganito
Ganito ka disperadong pabalikin ka sa buhay koSana bumalik ka
Handa ulit akong maging tanga
Kahit na sumosobra na
Gagawin ko makita lang kitang masaya
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan