SA PANAGINIP NA LANG KITA MAANGKIN

175 1 0
                                    

Sa panaginip na lang kita maangkin
Sa panaginip ka na lang magiging akin
Sa panaginip ko lang makikitang masaya ka sa aking piling
Sa panaginip mo lang ako mapapansin

Makokontento na lang sa imahinasyon
Kahit hindi ito panghabang panahon
Susulitin nalang ang bawat pagkakataon
Na ang atensyon mo'y sa'akin nakatuon

Kahit hindi makatotohanan
Mahalaga'y naramdaman ko ang iyong pag mamahal
Kahit isang gabi man lang
Ang mahalaga'y ikaw ay nakapiling
At naging pandaliang akin

Kinabukasa ay wala ka na
Di ka na muling makikita
Sa pagdilat ng aking mga mata
Bigla na lang mapapangiti sa galak at saya

Mapapawi ang ngiting tumatakas
Sapagkat ang aking kahibangan ay tuluyan ng nagwakas
Babalik nanaman sa reyalidad ng pag iwas
Kung saan wala ang pagmamahal na sa panaginip ko dinanas

Madiing ipipikit ang mga mata
Iaalis sa isipan ang pagmamahal na sa panaginip lang madadama
Mapapaisip sandali
Sa kisame'y mapapatitig pa saglit
Kailan kaya ito mauulit?
Na ang isang tulad mo'y dumaang muli sa aking panaginip
Kahit isang saglit
Kahit medyo pilit
Maramdaman ko lang ang muli mong paglapit

Maramdaman lang ang pagmamahal na saglitan
Pagmamahal na hindi makatotohanan
Yung sa panaginip ko lang mararanasan
Ayaw ko ng magising sa katotohanan
Masyado lang akong masaaktan
Dahil ang IKAW at AKO ay hindi magiging TAYO
KAILANMAN

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon