RASON

102 1 0
                                    

Isa ,dalawa ,tatlo
Tatlong beses kong tinawag ang pangalan mo
Habang ikay nakikitang papalayo
Papalayo dito sa kinatatayuan ko
Nang hindi mapigilpigilan ang pagluha
Sa aking labis na pagkabigla
Nang masabi mong suko ka na
Ni hindi alam kung ano ba ang aking nagawa
Na nagbigay rason para akoy talikuran na
Iwan na lang basta basta
Dito sa madilim na kalsada
Iniwan mong mag isa

Apat ,lima ,anim
Anim na beses kong inisip kung anong mali sa akin
Kung may kahilingan ka bang hindi ko dininggin
Kung may pagkukulang ba ako sa pag mamahalan natin
O baka matagal mo ng ayaw pero di ko lang napapansin

Pito ,walo ,siyam
Siyam na araw akong nagdaramdam
Nauubus na ang luha sa gabi gabing pagpatak
Na para bang ang mga alala nung kahapoy tila lalong tumatatak
Sa aking silid ay patuloy na tumatalak

Bakit?
Bakit nararamdaman ko ngayon ang sakit?
Anong ginawa ko at ikay nagalit?
Mga tanong na sa isipa'y paulit ulit

Sampo
Sampong beses akong nagtanong sayo
Humihingi na rasong kompleto
Yung maiintindihan ko
Na bakit sa haba ng panahon nang masasayang alaala
Ay nagawa mo kong talikuran na parang hindi mo nadama
Hindi mo nadama ang pagmamahal sayo na inalay sa panahong kay haba haba

Alam kong buo na ang iyong desisyon
Pero mahal, bigyan mo naman ako ng rason
Kung bakit pinutol ang tali ng ating relasyon
Kung bakit ang dali sayo na talikuran ang alaala natin noon
Ni hindi mo manlang ako binigyan ng pangalawang pagkakataon

Mahirap bang sabihin kung anong nakita mong pagkakamali
Ganun ba kakomplikado at hindi mo masabi sabi
Kaya pinutol na pang basta basta ang ating tali
Na para bang mga kasalanan koy kay dami dami
Hindi mo manlang ako pinagpaliwanag kahit sadali
Ni ang raso'y hindi manlang nasambit ng iyong mga labi
Iniwan nalang ako sa isang tabi
Nang walang pagkukubli
Sa ilalam ng malamig na gabi

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon