Hindi ang hampas ng alon
Ang makakapagpabalik sa pagmamahalan natin noon
Hindi ang ulap
Ang magpapaganda sa mga ibong kumakalap
Hindi ang mga dahon
Ang magbabalik sa mga panahon
Hindi SIYA ang sumira sa ating relasyon
Hindi SIYA kundi IKAW iyunIkaw ang nagsabing tatagal tayo
Ikaw ang nagbuo sa mga pangako
Ikaw lang ang sinunod ko
Sayo lang nakatuon ang mga paniniwala ko
Kahit ang munting takbo ng buhay natin sa araw araw inasa ko sayo
Pero anong ginawa mo
Ikaw ang naging dahilan kung bakit hindi tayo nagtagal
Ikaw ang sumira sa mga pangako
Na pilit nating binuo
Ikaw ang nagsabing hindi tayo magpapatinag sa sasabihin ng ibang tao
Kase walang sisira sa ikaw at akoSinunod kita
Hindi ako nagpatinag sa sinasabi nila
Hindi ko pinakinggan ang gatong nila sa relasyon nating dalawaPero,Hindi pa pala sapat
Kaya ikaw saaki'y hindi naging tapat
Kaya mas pinili mong lumipat
Sa taong sabi mo'y mas karapatdapatBakit?
Natumbasan ba nya yung mga ginagawa ko sayo nung tayo pa?
Lumamang ba sya sa mga bagay na sayo'y binigay kahit akoy walang pera
Mas kailangan mo ba sya kesa sa AKO na lahat ay ginawa
Na pinagtabuyan mo parin,na parang hindi manlang kita napasayaHinang hina ako nung panahong nangyari yun
Halos mamatay ako sa sakit na ginawa mo noonTapos kung kelan ok na ko,saka ka bablik?
Na parang hindi ka nagkasala
Na parang hindi mo ko binaliwala
Na parang wala kang ginawaHindi na mahal masaya na akong magisa
Hindi na kita kailangan pa
Damdamin ko para sayo binaon ko na
Yung pag tulo nga ng luha ko sawang sawa naBaliw ka ba?
Anong tingin mo sa mata ko water falls
I let myself for you to fall
But know i will build a wall
Yung hindi mo na ako makikita
Yung hindi mo na ako maaalala
Tutal sanay ka nanaman naBinitawan mo na ako noon para sa kanya diba pangatawanan mo gago ka
Ano ako baging?
Magpapakapit ng napakahigpit
Para hindi ka mahulog at masaktan
Tapos bigla mo kong bibitawan
Na parang hindi kita hinawakan at basta nalang pinabayaanTama na
Paalam na
Sumuko ka naKase ako
Sumuko na ako
Ayaw ko nang maranasan, ang naranasan ko sayo
Ang iwan ako para sa ibang mas gusto mo
Ayaw ko nang lumuha naparang hindi ako nadadala
Ayaw ko na kaya tama na

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
ПоэзияTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan