ANG PAGBITAW

93 1 0
                                    

Noong gabing tinapos mo ang lahat
Saksi ang kadiliman kung gaano ito kasakit at kabigat
Kung gaano nito ginuho ang dating nabuo kong pangarap
At iparamdam kung gaano ito kahirap

Hindi ko ininda ang pag mumukang tanga
Hindi ko pinansin kung ano man ang kanilang maihuhusga
Hindi ko dininig kung pano nila ako pinagsasalitaan ng masama
Dahil mas mahalaga saaking manatili ka

Nagmakaawa ako sa pamamagitan nang aking mga tingin
Hindi nag alinlangang lumuhod para iyong lingunin
Hindi iniisip kung gaano na ito kasakit
Hindi ko pinigilan ang sarili na sayoy lumapit
At mag makaawa sayo nang paulit ulit
Para masabi sayong kailangan kita
Mahal pa kita
Hindi ko pa kayang mawala ka

Kasabay nang pagbuhos nang ulan
Ang walang humpay na pagtulo nang luha dahil akoy nasasaktan
Kasabay nito ang sakit nanararamdaman
Na hindi ko manlang inaasahan

Tiniis ko ang lamig
Kahit na ang panlalamig ay nanggagaling sa iyong tindig
Kahit na pinapatigil nito ang aking puso sa pagpintig
Kahit na ang pagpapatigil mo saakin ay aking rinig na rinig

Na kahit na naririnig ay mas pinipiling magpakabingi
Maiwasan lang na makaramdam nang sakit at hapdi
Huwag lang matuloy sa paghihiwalay nang muli
Huwag ka lang kumalas saating pagkakatali

Alam kong mali ang pilitin ka
Pagiging makasarili ang angkinin ka

Pero pauli ulit pa ring pinababalik ka
Paulit ulit na nagmamakaawang muli kang magpasya
Nagmamakaawang huwag mo kong iparaya
Dahil hindi ko pa kaya
Hindi ko pa kaya

Alam kong mali
Pero parang hindi
Sinubukan kong tanggapin
Kahit na mahirap kung iisipin
Sinubukan kong makalimot
Pero dahil don mas nakararamdam pa ako nang kirot

Kirot na baliwalain ko man
Ngunit ms tumitindi pag aking pinapatagal
Aaminin kong sa pagsubok koy lalong lumalalim ang aking nararamdaman
At hindi ko na alam kung saan ko pa ilulugar
Ang pagmamahal kong walang kamatayan
Ang pagmamahal kong akin nang kinaadik adikan
Hanggang ngayon hindi parin humihindo sa pag asang akoy iyong babalikan

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon