Kailan mo nga ba masasabi na hindi ka nagkukulang
Kailan nga ba magiging sapat ang lahat
Sa isang taong walang tigil sa pag hahangadBinibigay naman lahat ng iyong gusto
Yung oras ko pinagkakasya ko naman sayo
Yung atensyon ko ikaw lang naman ang sumasalo
Para ngang hindi ko na kailangan ng relo
Kase yung oras ko sayo lang tumatakboPero may maisusumbat ka pa rin
Kahit binigigay na ang lahat hindi mo pa rin napapansin
Para sayo'y nagkukulang pa rin
Kahit na minsan yung gusto mo'y kay hirap dingginYung iwasan ko sila
Para lang ika'y maghapong makasama
Yung hindi sila siputin
Para lang ika'y masamahang mag shoppingYung "bro mamaya"
Di mo matugunan ang pag yayaya
Kase si mahal may dalaw
Kailangan na namang maglambing at magsayawHindi ako nagkulang sayo
Hindi ka lang talaga makuntento
Gusto mo ang lahat lahat sakin
Ay iyong maangkinPano naman yung oras
Na hindi lang dapat sayo mag uumpisa't mag wawakas
At yung pagmamahal
Na hindi lang naman sayo maiaalayKung hindi parin sapat sayo ang aking mga ginagawa
Baka naman gusto mo ng makawala
Dahil pagbibigyan kita
Kase kung nanaisin mo pa ng sapat ay wala na akong maibubugaKase ibang sapat
Ang iyong hinahanap
Iba ang sapat
Sa ibigay ang lahat lahatWalang magagawa ang "mahal kita"
Sa salitang "hindi ko na kaya"
Kahit mahalin kita ng sobra sobra
Hindi parin magiging sapat kase hindi mo yun nakikita
Baka humantong lang tayo sa salitang
SUMUKO KA NA
At sa katagang
HINDI KO NA KAYA

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan