Mahal, naaalala mo pa ba?
Yung saya ng pag iibigan nating dalawa
Na ngayoy napaltan ng iwasan sa isat isa
At tila hinihiling na
Sana'y di na tayo nagkakilalaNaaalala mo pa ba?
Yung unang beses na sinabi mong
Mahal mo ako
Na sa ngayon para na lamang sa kung sino
Yung hindi na ako
Sa iba mo na ito sinasambit sa malambing na tonoNaaalala mo pa ba?
Yung mga panahong ipinaglaban kita
Yung panahong ayaw nila sating dalawa
Yung panahong mahal mo pa ako at mahal pa kita
Yung panahong pinili kita
At sinuway ko silaNaaalala mo pa ba?
Yung nagiisa mong pangako
Yung sinabi mong tutuparin mo
Yung sa paghihiwalay hindi tayo tutungo
Hahawakan mo ko ng mahigpit
Yung tipong akin ka lang sayo lang akoNaaalala mo pa ba?
Nung gabing nagalit si ina
Yung pinalayas ako dahil mas pinili kita
Yung tinalikuran ko sila
Dahil mahal kita
Naaalala mo pa ba?Yung gabing yun
Di ko alam kung pano na ako sa aking sitwasyon
Naglalakad sa dilim
Naghahanap ng taong makakaintindi saakin
Hinanap ang taong nagsabing habangbuhay ay kaya akong mahalin
Hinanap ko sya hanggang sa magtakip silimNaaalala mo pa ba?
Yung oras at araw na natagpuan kita
Yung bawat minutong tuloy tuloy ang pag patak ng aking luha
Nakatayo sa harapan mo
Habang may kasama kang ibaDobleng sakit ang naramdaman ko
Tinakwil ,niliko't iniwan
Di malaman kung sagad na ba ang sakit na nararamdaman
At kung may isasakit pay
Ay iyo ng ibigayDun ko naisip mahal
Na di lahat ng tao dapat ay ipaglaban
Di lahat ng tao dapat na maintindihan
Di lahat ng taoy kaya kang suklian
Di lahat ng taoy di ka iiwanan
SAYO PA LANG
Hindi ka nagdalawang isip na akoy saktan
Kase para sayo
Isa lamang akong LARUAN

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoezieTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan