Magkatabi sa duyan
Tila pag ibig na walang katapusan
Tila pag ibig na di malaman kung anong pinagmulan
Pag ibig na aking inaasam
Pag ibig na sayo ko lamang matatagpuanSabay nating nanamnamin ang lamig
Habang sa isat isay nakatitig
Halikat sakin ka humilig
Tibok ng aking pusoy iyong madidinigSabay nating palaguin ang nasimulang damdamin
Giliw huwag ka nang lalayo sa akin
Wag ka ng mawawala sa aking paningin
Ikaw at ikaw lang ang mamahalinNgunit sa isang iglap
Tila nabura ang lahat ng pangarap
Nang makita ka sa aking harap
Habang kasama ang tipo nang lalaking kaytagal mo ng hinananap
Napakurap kurapPinatamis ng kathang isip
Pinatindi nang pag ibig
Pinaasa ang aking saliri
Na sa halip ay ako ang pinili
Na ang totooy hindiTanging isang kathang isip lamang
Ang tamis ng pagmamahalan
Ang saya ng kwento sa aking isipan
Kathang isip lamang
Hindi magkakatotoo kailanman
Sapagkat may iba ka ng minamahal
Hindi mo ko kailan man magugustuhan
Sapagkat sya ang sa puso moy laman
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan