Nakakapagod din pala
Ang mahalin ka
Nakakapagod din pala
Ang pagtiyagaan ka
Binigay ko lahat ng iyong gusto
Hindi ka lang talaga nakontento
Pero hindi yun inalintana ng isang tulad ko
Bagkus ginawa ang lahat para sayo'y sumakto
Multi mo pagiging magagalitin ko'y binago
Dahil sabi mo ay hindi mo iyon gusto
Maging ang pagrereply ko sayo'y binibilisan ko
Kase ayaw mong mag intay kamo
Pero sayo'y di parin sapat
Kahit medyo ginawa ko na ang lahat
Luminga parin at naghanap
Ng babaeng sayo'y swak na swak
Pilit kong isiniksik sa aking isipan
Na baka sadyang ako'y may pagkukulang
Baka hindi pa sapat ang lahat lahat
Kase may gana ka paring ako'y iwan
Gagawa pa sana ako ng iba pang paraan
Para ako'y hindi mo bitawan
Ganun kase kaimportante sa akin ang ating pagmamahalan
Walang hind kayang ipaglaban
Pero nakalapagod din pala
Yung araw araw kong nakikitang walang pag asa
Yung pag tayo'y magkasama
Ang atensyon mo nasaiba
Yung pagsinasabi kong "mahal kita"
Wala akong reakyong sa muka mo'y nakikita
Yung pag may binibigay akong bagay
Mga ngiti mo pari'y di mabuhay buhay
Ni hindi mo na nga ako niyayakap sa tuwing tayo'y nagkikita
Ni hindi ko na nga naririnig ang salitang mahal din kita
Ni hindi mo na nganireply-an ang chat ko kanina
Nakakapagod din pala
Ang intindihin ka
Nakakapagod din pala
Ang umasang ako'y mamahalin mo pa
Di ko man gusto pero magpapasyang ika'y lisanin na
Wag kang mag alala wala ng mangungulit at sa oras mo'y magaaksaya
Wala ng babaeng sayo'y magpapaligaya
Kase suko na sya
Di na nya kaya
Sawa na sya
NAPAGOD NA SYA
PAGOD NA SYA
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesieTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan
