Alaala na lang
Ang masasayang tawa na pinagsasaluhan
Ang nararamdamng saya sa tuwing ikay nasisilayan
Ang mga korning biro na parang musikang kay sarap pakinggan
Ang pagmamahalang ,nasabing walang hangganan
Ang labang datiy matatag na ipinaglalaban
Ang mga pagsubok na hinarap ng buong tapang
Ngayon ay alaala na lamangAlaalang binabalik balikan ko pa
Alaalang para saakiy sariwa pa
Alaalang mas nanaisin kong sa isip koy manatili
Kesa isipin na sanay hindi na lang kita piniliSana tayo pa
Ako sana ang sayo ngayoy nagpapasaya
Sakin ka parin sana lumiligaya
Hindi sana nagtapos sa AYAW KO NAGusto ko na ulit madama
Ang saya sa tuwing kasama ka
Ang pagmamahal mo at pag aalaga
Maging ang dati mong presensya
Gusto kong muli'y angkinin kaNais kong ulitin ang unang pag tatagpo
Ang unang pagkikita ni ikaw at ni ako
Ang unang araw nang tuluyang pagkahulog ko sayo
Ang unang beses nang sinabi mong mahal mo akoGusto kong maulit
Ang paglalambing mo pag ako'y nagagalit
Ang sarap ng iyong pangungulit
Ang mahigpit mong pagkapit.
Gusto ko na ulit kiligin sa iyong paglapitGusto kong mahalin ka ulit na parang wala nang bukas
Yung parang hindi uso ang salitang wakas
Yung buhol na hinding hindi makakalas
Yung tipong hindi ka na makakatakasGusto ko sana
Pero ayaw mo na

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan