TINURUAN.......... (hindi napaghandaan)

167 2 0
                                    

Nung gabing
Nakararamdam ako ng hapdi
Hapdi na naging dahilan ng d mapigilang paghikbi

Ang aking paa ang nagdala saakin sa isang dalampasigan
Kung saan ko natagpuan
Ang ikaw na nakatingin sa kawalan
Derederetso akong naglakad
Kahit saan ako mapadpad

Isang kamay ang humatak saakin
Pabalik sa daang aking dapat na tatahakin
Iniupo ako sa may buhangin
At pinunasan ang luhang natutuyo na ng hangin

Duon bumuhos ang sakit na aking nararamdaman
Multi mo paghikbi ay hindi ko na mapigilan
Nakaupo ka sa aking harapan
At ang pag iyak koy pinagmamasdan

Dun kita unang nakilala
Naging magkaibigan tayong dalawa
Naging sandalan ka sa twina
ikaw ang naging taga punas ko ng luha

Inihanda mo ko sa kanyang pagbabalik muli
Tinuruan mo akong sakanya'y humindi
Lahat ng maaari kong gawin ay iyong sinabi
Kahit na alam kung hindi ko kayang sa kanya tumanggi

Dumating ang araw na ako'y kanyang babalikan
Nagawa ko naman sya'y hindian
Nagawa kong sya'y iwasan
At nagawa ko ding sya'y saktan

Pero sa lahat ng iyong paghahanda saakin
Pagtuturo ng dapat gawin
Pag iwas sa maling taong na aking mamahalin
At ang malambot na pusong dapat patigasin

Meron ka paring hindi itinuro saakin
Hindi mo ako inihanda sa iyong pagdating
Hindi mo itinuro sakin kung pano kita hindi mamahalin
Kung pano ko iiwasan ang tibok ng aking damdamin

Kung paanong ang isang katulad mo'y layuan
Kung paanong ang isang tulad mo'y wag hangaan
Kase alam ko na ang kahahatungan
Magiging gaya ka nya na kaya akong saktan
At tulad ng sinabi mo
Walang umaalis na dapat ay binabalikan
Sa huli magwawakas din ito sa salitang
PAALAM

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon