Kahit wala ka
Ikaw parin para saakin ang pinakamaganda
Ikaw parin ang hinahanap ko tuwing umaga
Ikaw parin sa puso koy magpapasaya
Ikaw parin ang hinahanap ko sa twinaSayo parin ako magmamahal ng sobra sobra
Sayo parin iikot ang mundo kong kompleto pag nariyan ka
Sayo pa rin ngingiti ang mga labi sa sobrang saya
Sayo parin nanaising gumawa ng magagandang alaalaSayo lang ako
Hanggang dulo
Sayo lang ako
Magpapakabaliw ng ganito
Sayo lang ako
Hanggang gumuho ang mundo
Sayo langako
Kahit ayaw ng magulang moAt sa oras na ika'y bumalik
Yayakapin ka ng mahigpit
Tutunawin ka sa tamis ng aking halik
At nang sa gayo'y hahanap hanapin mo ang aking presensya at pagkapitAt sa muli mong paglisan
Hindi ka na muling kakabahan
Dahil hindi ako gagawa ng ating pagaawayan
Iiwasan ang kababaihan
At litrato mo nalang ang aking hahagkanKahit malayo ka saakin
Sa iba'y hindi ako titingin
Hindi ko sila papansinin
Kahit mas maganda pa sila sa prinsesang aking inaangkin
Hinding hindi ko sila lilingunin
Kase para saakin
Kahit wala ka, laman ng puso ko'y IKAW PA RIN

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan