Ang ikaw at ako
Ang tayo
Pagmamahal na nasabing hanggang dulo
Pag mamahal na inumpisahan ko
Pagmamahal na nag umpisa sa pangako
Sasalitang mahal kita at mahal mo rin ako
Ang ikaw at ako na pinagtagpoPano nga ba masasabi kung my tayo
Ito ba at masusukat ng mga simbolo
Kailangan pa bang tanggap ako ng magulang mo
Kailangan pa bang dumaan tayo sa ligawan
At dumating sa gantong hantunganIkaw at ako ...TAYO
Salitang ako lang ang nag imbento
Para sa mga taong hinuhusgahan ang relasyon naming ito
Para sa mga taong hindi naman nararamdaman
Ang inaalay namin sa isat isang pagmamahal
Sa mga taong hindi alam ang aming pinagdaanan
Para sa mga taong walang alam sa relasyon
Kundi aksaya oras lamang iyonPara saakin kami
Kahit sa isat isay hindi kami nakatali
Kahit na minsay hindi mapapangakong kaya naming manatili
Basta ang alam namin...ito ang relasyong aming piniliOo walang lebel ang aming pagmamahalan
Pero maipararamdam namin na ang KAYO ay kaya naming higitan
Tatagal ang aming samahan
Hindi gaya ng KAYO na hindi ka naman pinanindiganSabihin nyo na ang lahat lahat
Basta ang SIYA ay sakiy sapat
At ako ang sa puso nyay karapat dapatHindi ito isang kahibangan
Pagmamahal itong hindi lang napaghandaan
Masyado lang talaga kaming mabait kaya ang panahoy sa pamilya pa ang laanAyaw naming magmadali
Kase kasal na ang aming pinag paplanuhanWala namang masama sa pagibig na di mawari kung merong TAYO
Basta mahal ko sya at mahal nya ako
Basta sa relasyong walang tayo
Ay my plano
Yun lang OK na ako
Kontento na ako
Sa salitang ikaw lang baby ko
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan