Sya ay isang tao
Isang tao na pinahahalagahan ko
Isang tao na importante sa buhay ko
Ang dahilan kung bakit ako nagbagoHi
Unang salita na aking binitawan
Na iyo namang sinundan
At agad tayong naging magkaibigan
Dahil parehas tayong may taglay na kalukahanSa bawat gala ikaw ang kasama
Pag umiiyak ako, ako'y lagi mong pinapatawa
Sa mga lakad ko ikaw ang lagi kong hilahila
Ikaw naman ay tuwang tuwa joke joke lang palaPero talagang minsa'y di maiiwasan ang pag aaway
Kahit na malaki o maliit mang bagay
At isang salitang "sorry" ang tatangay
Mawawala ang parehong nadaramang lumbayBawat bagay na ating pinag aawayan
Isa lang ang tinurung na tunggalian
Ang isang taong pareho nating nagustuhan
Kaya ngayo'y ating pinag aagawan
Mahal natin ang isat isa kaya parehong nagpaubayaanWala ni isa sa atin ang tumanggap
Parang iniwasang pangarap
Ayy!! Hindi pala,parang nawawalang sangkap
Ang ulam na di kompleto ang sangkap ay walang sarapSa pagkakaibigan natin ay walang plastikan
Ang nagiisa at walang katulad na pagmamahalan
Pagmamahalan nating walang hangganan
Ikaw at ako ay tunay na magkaibigan

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesiaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan