WALA NANG AKO ANG LAGING NARIYAN PARA SAYO

152 2 0
                                        

Nasaan sya noong sandaling luhaan ka
Yung sandaling hindi mo na kinakaya
Yung sandaling kailangan mo ng kasama
Yung sandaling puno ka ng problema

Ako yung tumanggap ng mga salitang nais mong ibato
Yung mga linyang nais mong sabihin ako yung sumalo
Sa pag iyak mo pa nga ako yung nagpupunas ng luha mo
Maging sa iyong pagtulog ako yung yung naririto sa tabi mo

Hindi kita iniwan
Nung kailangan mo ng masasandalan
Pilit kita niramayan
Kahit bukang bibig mo'y sya lang ang laman

Tinanggap ko ang iyong pag kukumpara
Sakin at sakanya
Di ko pinapansin ang mga katangiang sinasabi mo sa kanya
Pero ang salitang"sya parin tlga" ang hindi ko kinaya

Mahal minsan usong makiramdam
Pakinggan mo naman ang salitang iyong binibitawan
Minsa ang "sya" ay kailangan mo ring palitan
Lalo na sa ngayon ako lagi ang nariyan

Ako hindi sya
Ako na nag aalaga sayo nung wala sya
Ako na nagmamahal sa sayo nung iniwan kanya
Walang sya na sayong nagpatahan
Ako lang

Kaya mahal sabihin mo sakin
Bakit?
Bakit nung bumalik sya ay agad mo kong pinatalsik
Bakit mas mahal mo sya kahit ako naman ang iyong nakapiling
Bakit ang dali mong ako'y basurahin
Bakit ang dali lang sayo na akoy palitan at iwanan

Sana hindi nalang kita kinuha
Para kang asong gumagala
Matapos kong damputin at bigyang halaga
Handa kang kagatin pag bumalik na yung amo nila

Sana hindi nalang kita tinulungan noon
Kung ganto lang din pala ang kahahantungan niyun

Sige na magpaka saya ka
Basta sa oras na iwan ka ulit nya
Walang ng ako
Ang kukuha sayo
Hindi ka na makakapasok sa buhay ko
Kase nung ako yung narito ...hindi sya
Dun ko na nilahat ang pagmamahal na mas matumbas kesa sa pagmamahal nya
Walang natira
Kaya kung babalik ka pa
Wala ng amo ang kukuha
Sa katulad mong aso
Walang ng ako na magmamahal muli sayo


SPOKEN WORD POETRYMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon