BYAHE

132 1 0
                                    

Ayy sakay na sakay na
Panghihikayat na sigaw para sumama ka
Sa byaheng kay saya
Sa byaheng panandalian lang pala

Sa pagpasok mo sa loob nito
Tila hindi mo alam kung saan ka uupo
Sa dami na nang taong nilalaman nito
Hindi mo alam kung saan ka lulugar
Yung pwestong hindi ka na makikipagsiksikan
Yung hindi ka masasaktan
Yung tanggap ka kung sino ka man

Bayad po
Pagpapasa pasa nang perang mula sa dulo
Papunta sa kinauupuan mo
Mula sa kanya papunta sayo
Pero
Ang maganda lang dito
Ang bayad ay nakadistino
Kung baga nasa iba pa lang
Alam mo nang sa huliy sa iyo ito
Sa Driver ito
Hindi katulad nang nangyari sayo
Pinasa ka sa iba
Nagpaikot ikot ka na
At ngayon nagmuka ka lang tanga
Dahil ni isa sa kanila
Wala manlang gustong habang buhay kang makasama

Tapos sisigaw
Saan ang baba mo?
Ni hindi mo pa nga nararamdaman ang saya nang byaheng ito
Itinatakda na kung kailan kayo magkakalayo
Pinamumukha nang ang lahat ay may dulo
Na magwawakas din ito sa ilang segundo o minuto

Minsan hindi maiiwasan ang trapiko
Tila pinahaba pa ang panahon ng pagpapakatanga ko sa iyo
Dinagdagan pa ang sakin na nararamdaman ko
Mas pinahihirapan akong gumawa ng rason para tapusin ang lahat ng ito

Pero kahit ilang beses ka pang umisip ng bagay na negotibo
Kahit na ilang beses lingunin ang magiging apekto nito sayo
Mas gugustuhin mo pa ring ituloy ang byaheng ito
Mas pipiliin mo paring marating ang dulo
At tatanggapin na lang na sya ay hindi talaga para sayo

At sa iyong pagbaba
Hindi pag sisisihan ang lahat bg iyong nagawa
Dahil kahit na itoy pansamantalag
Naramdaman mong sumaya
Sumaya sa piling nya

Kaya naman
Sa susunod na byahey hindi ka na kakabahan
Hindi ka na matatakot subukan
Dahil sa BYAHENG ito
Pasasayahin ka
Kahit PANSAMANTALA lamang

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon