Mahal, miss na kita
Miss ko nang makita ka
Miss ko nang hagkan ka
Miss ko nang ika'y muling madamaKahit alam kong imposible
Pag asa ko'y mananatili't mananatili
Kahit anong mangyari
Hahawak ako nang mahigpit sa binitiwan mong taliKa'y hirap naman kaseng bitawan ka
Ikaw kase yung naging sandalan ko sa lahat ng problema
Ikaw yung nakikinig sakin habang ako'y lumuluha
Ikaw yung laging nariyan pag sinasabi kong ako'y susuko naPaano ko sisimulang kalimutan ka
Kung pagbitaw na nga lang sayo'y hindi ko makaya
Ang makita ka ngang masaya sa ibay nagpapahirap sakin ng sobra sobra
Paano ko kakalimutang minahal kitaMahal wala na ba talaga?
Kahit ilang beses pa akong mag makaawa
Kahit ilang beses ko pang ipakita sayo na kaya ko pa
Na kaya ko pa na mahalin ka
Hanggang sa matupad natin ang mga pangakong binitawan natin sa isat isa
Wala na ba talagang pag asa?Wag mo namang talikuran
Yung dati nating pinagsamahan
Yung mga alaalang pinaghirapan
Yung sakripisyong inilaan
Para lang mapagtibay ang ating samahan
Yung walang hanggang pagmamahal
Wag namang humantong sa paalam
Sa "iiwan kita dahil ika'y nasasaktan"
Kase mas lalo akong nasusugatan
Habang nakikita kong unti unti mo na akong inaayawan

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan