Gumising ako sa umaga
Puro kalabog ang naririnig ng aking tenga
Puro sigawan ang bumugad sa pagbukas ng aking mga mata
Galit ni inay ang aking nakikitaNgunit nagbago ito
Nung namataan nyang nakatayo ako
Nakatayo sa kanyang harapan
At ang sigawan nila ni itay ay aking namataanNapaltan ng pagluha
Ang galit na kaninay aking nakikita
Niyakap ako ng napakahigpit
Na para bang nais nyang pawiin
Ang lahat ng aking nakitat narinig
Gustong baguhin
Ang iniisip kong pag aaway nannaman nila sa magandang umaga
Na napaltan ng masalamuot na umagahan na hindi ko inaasahang aking mkikita
Kumalas sa pagkakayakap at sinambit ang salitang
"Anak di mo naiintindihan...kase bata ka pa"
Kasabay ang pag patak ng luha
At paghikbing pinipigil nya kanina paLumipas ang panahon
At bilang na bilang ang mga taon
Nung nasabing akoy bata pa noon
Pitong taon na mula ngayonWalang araw na walang bangayan
Sa pitong taong lumipas lagi na lang ganyan
Walang pag babago sa kanilang samahan
Baka nga lumalala pa iyon habang tumatagalUmuwi ako galing paaralan
Upang ibalita ang markang aking pinaghirapan
Upang pasayahin si inay kahit saglit man lang
Pero lungkot na muka nanaman ni inay ang aking namataanPinilit nyang ngumiti
Kahit ang nararamdaman nyay sobra nang hapdi
Kahit na grabi na ang sakit ng lalamunan mapigilan lang ang paghikbi
Mapigilan lang ang pag tulo ng kanyang luha
Sa aking harapanMinsan sa kanyay di ko napagilang magtanong
Sa hinaba haba ng panahon
Bakit nag titiis pa sya hanggang ngayon
Kahit alam naman nating hindi na babalik ang masaya nilang relasyonPitong salita
Ang paulit ulit na naririnig sa kanya
"Anak di mo maiintindihan kase bata kapa"
Mga katagang saulo ko na
Sa paulit ulit na sagot
Sa mga tanong na minsay iniiwasan nya ng tumugonBata pa ako kaya di ko pa naiintindihan
Wala pa ako sa tamang pag iisip para aking maunawaan
Multi mo pag iisip ko ay wala pa sa kalahati ng kanilang kaalaman
Pero tamang dahilan ba iyon para MANAHIMIK NA LAMANG
Kahit na alam mo na ang mahal moy araw araw nang nasasaktan
Sana nga pag dating ng panahon ay akin ng MAINTINDIHAN
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PuisiTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan