SA PAGHIHINTAY

189 2 0
                                    

Wala akong magagawa
Kundi ang tumunganga
Aliwin ang sarili sa pagbibilang ng isa dalawa
Susundan ng tatlo, apat, lima
At kung magsawa
Lilingon lingunin ang mga bahay
At aaliwin ang sarili sa mga kulay

Habang ako'y naghihintay
Habang ika'y aking hinihintay

Nagsimula sa alas otso
At patuloy sa pag aantay sa kung sino

Ang pinag usapang oras ay alas nwebe
Dalawang oras na nagiintay, alas unse

Bawat sasakyan ay inaabangan
Baka sakaling akoy iyong babaan
Bilis ng sasakyan ay tititigan
Ngingitian ang mga taong dumaraan
Upang pagkaantok ay maibsan

Lilinga lingang muli

Baka sakaling ika'y naglalakad na papalapit saakin
O dikaya'y nasa sasakyan at nasa akin ang tingin
At kung hindi mahalagilap ng paningin
Muling hahanap ng libangan
Pati ang ibong lumulipad ay akin ng papatulan
Titingala sa kalangitan
At may mga bagay na pag iisipan

Kung anu ano ang ating gagawin
Sa oras na ikay dumating
Ngayun ay patatlong buwan na natin
Kaya kahapon ay di ako mkapag ugaga para ika'y pilitin
Na lumabas at sumama sa akin

At sa tatlong oras na nkalipas
Sa oras na itinala ay masyado nang lagpas
Hanggang sa ang araw na ay magwakas
Sa pagdating mo'y wala paring bakas
Ilalabas nalang ang hapdi ng ngiting tumatakas

Walang ikaw na darating
Wala ka nanaman binigay na oras sa akin
Wala nanaman ang plano na sana ay ating gagawin
Wala nanamang kwenta ang pangtatlong buwan natin

Wala nang magagawa, kundi mapangiti
Maitago lang ang nararamdamang hapdi
Mapigilan lang ang nagbabadyang pag hikbi
Bigo nanaman ang aking pakiramdam sa pag uwi

Sa pag aantay sayo ...inabot pa ko ng gabi

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon