Pasensya na
Kung bibitawan na kita
Kung hindi mapapanindigan ang mga pangako sa isat isa
Kung hindi na kita kayang ipaglaban pa
Masyado nang marami ang isinakripisyo
Masyado nang malabo ang manalo
Dahil ang nagpapahirap na ditoy ikaw namismo
Kaya siguroy marapat lamang na akin nang isuko
Wala na akong maisip na ibapang paraan
Para lamang ikay maipaglaban
Hindi ko na kayang muli pang masaktan
Wala ka naman saaking tabi para akoy lunasan
Para akong nakikipag digmaan
Sa sarili kong katangahan
Lumalaban nang wala namang ipinaglalaban
Pinatatatag ang sarili sa kabila nang labis na sakit nanararamdaman
Pinipigilang sumuko kahit alam namng talo
Ninanais manalo sa may dayang laro
Ninanais maabot ang dulo
Kahit natapos na ito
Umaasang may magagawa
Umaasang hindi ito magtatapos sa pagluha
Maibabalik pa ang tayong dalawa
Kahit ang totooy iyon talaga ang nakatadhana
Ang matapos ito sa salitang paalam na
Kaya mahal
Pasensya nat ngayon ko lang napaghandaan
Ngayon ko lang labis na naintindihan
Ang katotohanang hangang dto na lamang
Ang katotohanang kailangan na nating magpaalam
At tuluyan nang isuko ang laban
Nang ating pagmamahalan
Sapat na siguro ang lahat nang aking pinagdaanan
Para masabing nagawa kong lumaban
Para sa taong labis kong minamahal
Nagawa kong maging matapang
Kahit kapalit nito labis labis na sakit na paulit ulit kong nararamdaman
Sapat na siguro iyon
Para Tuluyan ko nang wawakasan
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan
