Kay ganda ng mga bituin
Tila isang pag asang sumisibol sa dilim
Syang nagbibigay liwanag saakin
Nagpapalakas sa aking loob para muling subukinAng magmahal
Ang ipaglaban
Ang masaktan
At ang iwananPagkasunod sunod
Ng bawat pangyayari
Mula sa saya hanggang sa hapdi
Mula sa tawa hanggang paghikbi
Mula sa simula hanggang sa huliMga bagay na akin ng inaasahan
Ng muling pagmamahal ay simulan
Ng muliy pag ibig ay subukan
Ng muling ikaw aking binalikan
At sa huliy natapos rin lang sa paalamNi Minsay hindi ako nagalit
Nagalit at pinigilan kang lumapit
Lumapit na tila gusto ko ng manahimik
Manahimik at isiping walang ikaw ang babalik
Wala na
Hindi na
Ni minsay hindi ko naisipSapagkat ang pag asay buo sa akin
Sa iyong pagalis
Paglisan
Ay may bagong darating
Na gagamot sa puso kong babasagin
Ang mag iingat at totoong akoy iibigin
Iibigin at muling mangngako na kaylan may hindi aalis sa aking piling
Tulad ng pangakong kay dali mo noong sambitin
Tulad ng pangako mong aking pinaniwalaan
At inasahan
Tulad mong inibig ko ng tapat at walang pag aalinlangan
Tulad mo na aking minahal at inalagaan
Tulad mong aking buong pinagkatiwalaan
Sa puso kong kay dali lamang masaktanPero syay di tulad mong kaydali lamang akong bitawan
Hindi tulad mo na ang halaga koy parang basurang tinapon sa basurahan
Hindi tulad mong hindi manlang tinapatan ang aking pagmamahal
Hindi tulad mo
Dahil sa oras na to
Mahal nya ko
Sa sandaling ito
Totoo ang kanyang mga pangako
Sa panahong ito
Alam kong tatapatan nya ang pagmamakal ko
Hindi tulad mo
Na ipinaglaban ko
At sa huli ako pa ang dehado
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan