PILIIN MO SYA KASE MAS KAILANGAN KA NYA

159 1 0
                                    

Mahal kita
Kaya gusto ko lagi kang masaya
Laging masaya kahit sa piling ng iba
Sa iba na kahit hindi mo alam kung mahal mo rin sya

Mahal kita
Di ko kayang mawala ka
Ikaw ang araw ko sa twina
Ikaw ang nagsisilbing buhay ko simula nung nakilala kita

Mahal kita
Pero mahal ka nya
Mahal mo rin ako yun ang katwirang lagi mong pinadadama
Pero kahit mhal kita hindi sapat dahil kailangan ka nya

Kailangan ka nya
Hindi nya kayang mabuhay ng wala ka
Wala ka sa tuwing gigising sya
Kaya kahit mahal kita
Kailangan kong magpaubaya

Piliin mo sya kase mahal ko din sya
Kaibigan ko sya kaya kaya kong makita kang masaya
Masaya sa piling nya
Kahit hindi ako ang dahilan ng iyong pagtawa

Wag mong isipin na masasaktan ako
Dahil kahit masakit tatanggapin ko
Ang mga pangako ay atin munang ihihinto
Hindi muna bibigyang kasatuparan ang mga ito

Kase ngayon mahal
Kahit gusto ko na tayoy magtagal
Maaga palang ako na'y magpapaalam
Magpapaalam kahit ako parin ang iyong minamahal

Huwag kang mag alala mahal
Nangako syang ikay aalagaan
Ikay pahahalagahan
At kailan may hindi ka iiwan

Mahal kita
Mahal ka nya
Wag sanang isipin na saakin ay ika'y kulang pa
Sapagkat ikaw ay labis labis na
Wag isipin na kaya ikaw ay aking binitawan
Ay dahil ayaw ko na
Ang totoo ito ang dapat dahil kailangan ka nya

Kaya mahal patawad
Pag suko ang akin sayo'y igagawad
Kahit pag mamahal ang iyong hinahangad
Alam kong syay karapatdapat
Mamahalin ka din nya ng tapat

Mahalin mo din sya
Tulad ng pag mamahal mo sakin
Pahalagahan mo sya
At patagalin ang pagmamahalan nyo tulad ng sa atin

Mahal na mahal ko kayong dalawa
Wag nyung saktan ang bawat isa
Mahal mahalin mo sya
Ng higit sa pagmamahalan nating dalawa
Paalam na

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon