Mahal
Maaari bang magtanong
Maari bang muliy pabalikin natin ang panahon
Maari bang kahit sandaliy ibalik ang tratuhan natin noon
Maari ba nating itama ang lahat ngayon
Maari ba?Pwede bang muli mo kong pakiligin
Pangakuan nang bagay na minsay hindi ko hiniling
Pwede bang muli mo akoy piliin
Pwede bang lumugar kang muli sa aking piling
Pwede baAt kung hindi
Kung hindi na muling mapapawi ang naramdaman mong hapdi
Kung hindi na pwedeng ibuhol muli
Ang ating pagkakatali
Kung talagang hindi na maariBaka pwedeng tayoy muling magsimula
Magsimula sa kindi natin pagkakakilala
Nung mga panahong unang beses kitang makita
Nung sandaling hindi pa tayo nag sasama
Nung oras na nagkakatitigan lang tayong dalawa
Yung minutong ninais kong lapitan ka
Nung mga segundong gusto kong alamin
Kung ikaw ba sakiy may pagtingin din
Baka pwedeHanda akong makalimot
Sa sugat nang kahapon
Sa sakit na pinag daanan ko noon
Handa ako
Sabihin mo lang
Kung pede
At kung maari
Hindi akong magdadalawang isip na mahalin kang muli
Hinding hindi
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan