HINDI NA LANG SANA

30 0 0
                                    

Tuluyan na nga yatang nabigtas
At sumasala na rin yaong tono sa pagkumpas
Tuluyan na ngang lumilipas
Dahon sa punoy unti unti na ring nanlalagas
Makukulay na panoot sa araw ay kumukupas
Nag iiba na ang takbo nang haring oras

Sa puso pansin ang paghihinagpis
Unti unti na ring nababawasan ang pagmamalabis
Unti unting ang paglayo mo'y bumibilis
Unti unting sumusuway, at lumilihis

Sakit ay unti unti na ngang  kumakalat
Pag ibig ay tuluyan nang umaalat
Pagmamahal sa pusoy sumasalat
Wala na ang pagmamahal na nooy umaangat
Wala na
Sapagkat tuluyan mo nang nilisan
Sinaktan nang walang pag aalinlangan
Pinasan ang sakit na di napaghandaan
Pinukol nang patalim ang pusong ikaw lang ang laman
Ikaw lang ang sinisinta
Ikaw lang at wala nang iba
Tuluyan ng nagdusa
Sa pagibig na kinasabikan noong una
Ngunit pinagsisishan na hindi na sana
Hindi na lang sana

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon