Sa taong dalawang libo at labing walo
Buwan ng enoro
Araw ng linggo
Ang panahong nasabi mong "sawa na ako"
Nasabi mong ikay sumusuko
Sumusuko sa pag ibig na kay hirap nating binuo
Na pinatatag ng pagmamahalan at ng mga pangako
Pangako na alam na nating sa duloy mapapako
Pero hindi inaasahang sa araw na iyoy matatapos ang lahat ng itoGustuhin ko mang hilahin ka
Nung oras na ikay lilisan na
Nung oras na hindi ka na kamo masaya
At gusto mo nang itoy wakasan naGusto kitang yakapin
Para bumalik sayo ang saya ng nakaraan natin
Yung kung gaano ko sinakripisyo ang lahat lahat para lang ikay mahalin
Para lang ikay maging maligaya sa aking pilingGusto ko mang ikulong ka sa aking bisig
Para ipagpatuloy ang ating nasimulang pag ibigNgunit
Hindi ko iyon magagawa
Kase ikaw na mismo ang pumupunit
Sa blankong papel na pinunan natin ng mga guhitIkaw na mismo
Ang gumugusot
Sa mga alaala nung panahong napapasaya kita
Nung oras na lungkot na lungkot ka
Na kulang na lang ay bumitaw ka na
Na kulang na lang na isigaw mo na sawa kana hindi mo na kaya
Hindi mo na kaya na akoy makasamaHindi ko hinihiling na bumalik ka rahil gusto ko pa
Hindi ko pinipilit na itali ka kung talagang ayaw mo na
Hindi ko hinihiling na habang buhay na mapasakin ka
Kontento na ako sasaya ng alaalaOo
Gusto kong ipagpatuloy ang nasimulan natin
Gusto kong bumalik ka dahil akoy mhal mo parin
Kahit na alam kong ang totooy
Hindi
Hindi ka na babalik
Oo masakit
Masakit kase hanggang ngayon umaasa akong akoy mahal mo pa rin
Mahal mo parin kahit hndi iyon ang nakikita ng aking paninginSayang
Sayang kase kahit ginawa ko na ang lahat
Ay hindi pa rin sapat
Gusto ko mang maramdaman
Ang dating pag mamahalan
Mas pipiliin ko na lang ang magpaalam
Kahit akoy lubusang nasasaktanMatutunan ko lang mag mahal ng iba
Pero hindi ko mapapangako na
Makakahanap ako ng sayoy mas hihigit pa
Hindi ko mapapangakong mamahalin ko sila
Dahil multimo piraso ng nabasag kong pusoy hindi ko na nkikita
Hindi ko na nadadama
Namamanhid na ko sa pagpapakatanga
Pagpapakatanga na khit ilang beses kong gawin
Hinding hindi ka pa rin babalik saakin
Kaya mahal paalam
Sorry sa aking katangahan
Kakulitan
Problemang iyong pinasan
Dahil sa sa sandaling pag pili na ako ay samahan
Na sa huliy iyong sinukuan
Paalam

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoesíaTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan