Laro tayo!!
Bibilang ako ng isa dalawa
Dapat magtago ka na
Itutuloy sa tatlo apat lima
Naririnig nala'y bakas ng yong mga paaMagtatapos ang bilang sa sampo
Alam kong tapos ka ng magtago
Lilingun lingunin ang magkabilang dulo
Makita lang ang tulad moOh giliw sa pagtatago'y ikay napaka galing
Nilibot ko na ang buong lugar di ka parin nasasagap ng paningin
Multimo anino mo'y hindi na dumating
Di ko nga alam kung ikaw babalik parin
Baka nakalimutan mo na ang inumpisahang laro natinAko ang taya
At ika'y magtatago
Ako'y magpapakatanga
Sa tulad mong posibleng pinapaasa lang akoSa larong ito matalo manalo
Ako parin ang dihado
Mandaya man o hindi
Di ka pa rin mananatiliSana nga laro na lang ito
Larong hindi ka masasaktan pag natalo
Manghihinayang kalang kase sayang ang premyo
Kasi sa larong ito hindi na masakit ang salitang tayoPwedeng sumugal ako ng sobra
Kase wala namang mawawala
Uso naman kase ang magpakatanga
Sa tulad mong di marunong magpahalagaKaso hindi ito isang laro
Makatotohanang sa pag mamahal na ito'y lugi ako
Kase kahit manalo ako di parin kita matatamo
Kahit pinag hirapan ko pang manalo ditoTapos biglang may sasaling iba
Yung alam kong mananalo sya sa aming dalawa
Yung alam kong mapupunta ka sa kanya
Kase kahit ikaw tutulong para lang manalo syaMay kadayaan itong larong ito
Pero di ko parin inisip na mandaya dito
Lumaban ako ng patas sa madayang laro
Sumugal ako kahit alm kong ako'y matataloUpang iyong maramdaman
Kung paano kita ipinaglaban
Kahit hindi mo ako sinuportahan
Baka sakaling ako'y iyong panigan
Kase makikita mo kung pano ako nanindigan
Na ika'y mapasaakin
At akoy mahalin mo rinKahit alam kong imposible
Masakit ang pagkatalo
Yung pag asa mo'y tuluyan nang naglaho
Tapos gigising ka bukas makalawa
Na tuluyan nang ika'y naglaho na
Iisiping sana laro nalang talaga
Baka sakaling di masakit ang iyong pagkawala

BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan