Ikaw bay nalulungkot
Puso bay kumikirot
Nakararamdam din ba ng takot
Takot na baka ikay maging isang bola na sa kanyay paikot ikot
Yung makakalaya ka lang pag ikay tumatalbog
Malaya ka lang pag pinapasa ka na sa iba
At sila naman ang makikipaglaro sayo na parang masayang masaya pa sila
Masaya kase napapaikot ka nila
Masaya kase kahit binibigay ka nila sa iba
May tsansa pang mapabalik ka sa kanya
Pero sa ibat ibang humahawak sayo
Di ba parang nakakagago
Nilalaro ka ng mga sira ulo
Ginagawang laro ang pagmamahal mo
Masaya sila pag nkakapasok yung bola
Kung baga masaya lang sya pag may naibibigay ka
Di sila kontento pag hawak lang yung bola
Sa pag ibig hindi sya kontento na mahal mo lang sya
Kailangan mo pang magbigay ng bagay na may halaga
Kailangan mo pang ibigay ang lahat lahat para syay mapasaya
Tapos sa laro may aagaw sayo
Parang bola ka lang nya na ilalayo
Pag may taong nais na mahawakan kat nais maranasan ang pagmamahal mo
Ipupunta ka nya sa kung saan saang parte
Para lang sa ibay hind ka matali
Tapos pag naagaw ka kukuhanin kang muli
Dun lang sya magaling
Ayaw nyang magaw ka ng alam nyang mas kaya kang mahalin
Yung kaya kang ishoot kung baga pasayahin
Yung kaya kang iiwas sa lahat lahat ng walang pagpapasa sa iba
Kakanyahin ang responsibilidad nya
Ishoshoot ka at di muling bibitawan
Hanggang sa huling hantungan ng laban
Yung pag nanalo sila
Dadalhin ka nya
Pag napasaya ka nya ng ilan pang beses
Patuloy ka nyang aarugain
Di tulad nya
Pag nanalo sya iiwan ka na nya
Kung saan ka nya unang nakita
Kung baga pag minahal at naibigay mo ng lahat
Kahit sobra na talagang sapat
Iiwan at iiwan kanyan matapos ang lahat lahat
Sa pakiramday ang bigat bigatGanyan ang pag ibig
Parang laro
Parang biro
Nabubuo sa mga pangako
Na lagi namang napapako
Binubuo ng ikaw at ako
Na sa huli ang laging masasaktan lang ay ang AKO
Ako lang
Ako lang ulit
Ay tulad din ng bola
Pag nabutas ako
Wala ng magpapasaya sayo
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan