Maari ba muna natin itong pag usapan
Linawin ang mga bagay na naging dahilan ng hindi pagkakaunawaan
Bigyang kasagutan ang mga nakakapagtakang tanong sa ating isipan
Pag usapang mabuti ang mga bagay na ating paghahandaang kalimutan
Dahil sa nagbabadyang paghihiwalayanBigyan ang isa't isa ng napakaraming dahilan
Kung bakit kaylangan na nating magpaalam
Wawakasan na ba natin ang ating pinagsamahan
Na tiwala't pagmamahal ang naging puhunan?Huwag naman sanang ganyan
Alam kong ang isang tulad ko sayo'y hindi na kawalan
Dahil sa pag paparamdam ko sayo na ikaw saaki'y walang kahalagahan
Aking kaybigan humihingi ako ng kapatawaranAko'y bigyan Muli ng pagkakataon
Ibabalik natin ang bawat panahon
Na tayo'y masayang magkasama noon
Na sabay nating ginawa ang masasayang alaala natin ngayonIsa pang pagkakataon aking mahal na kaybigan
Huwag mo naman akong sukuan
Hindi ko alam na ganyan na pala ang iyong nararamdaman
Hindi ko alam na ikaw pala'y akin nang nasasaktanPatawarin mo ako
Hindi ang pagsuko mo ang aking ginugusto
Hindi ko sinasadyang magkalabuan tayoKahit ilang beses pa akong humingi ng tawad sa yo
Gagawin ko
Ipag wawalang bahala ang pride na saaki'y nabuo
Mas importante ka kesa sa buhay ko
Ikaw ang taong saakiy nagpatinoAt naging dahilan kung bakit ang isang itim na buhay
Ay nagkaroon ng kulay
Nagkaroon ng saysayIkaw ang nag bigay liwanag saaking buhay
Isang pagkakataon lang aking kaybigan
Ipinapangako kong hindi na mauulit ang ginawa kong katarantaduhanKaya please wag mo naman akong sukuan
Wag ka namang sumuko
Wag mo akong iwan
Wag ka naman mang iwan
BINABASA MO ANG
SPOKEN WORD POETRY
PoetryTula ng mga sawi......sa oras ng kalungkutan ,kasiyahan,kiligan....hinding hindi ka bibitawan bagkus bubuksan ang iyong isipan upang tuluyang maunawaan kung bakit sa pagmamahal ay parati na lamang nasasaktan