KWENTO

74 1 0
                                    

Pagbubukas na ating sinimulan
Sinimulan sa pahina na tila walang nilalaman
Walang kasulatan
Walang anumang mamamataan

Sabay nating inilipat ang bawat pahina
Sabay tayong nagbasa
Nang salabiy may bakas ng ngitit saya
Aaya nang pagmamahalan sa una

Ang bawat pahinay nagbigay satin ng pananabik
Yung tipong hindi na natin ginugustong mapapikit
Yubg tipong gusto na lang nating matahimik
At ipagpatuloy ang nasimulan nating pananaliksik

Ngunit habang tumatagal
Nang marating na natin ang kalagitnaan
Giliw bakit tila kapaguday ikay tinamaan
May sandaling magisa nalang ako sa paglilipat ng pahina ng ating pagmamahalan

Hanggang aa humantong sa pagkakalabuan
Humantong sa paglalakbay na tila ikay napipilitan
Humantong sa naghangad ka ng ibang librong mahahawakan
Bagong kwento na pinagiinteresan
Bagong kapareha na sasabayan at sasamahan
Bagong libro na sisimulan
Bagong isisilang na pagmamahalan
Yung hindi na kwento natin ang nilalaman
Yung hindi na ikaw ako ang tauhan

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon