ANG SAKIT NG PAGMAMAHAL

93 2 0
                                    


Sa pagtigil ng ilog sa pag agos
Sa luhang hindi na muling bubuhos
Sa pagmamahal na di na muling mauubos 
Sa ating pagtatapos

Hayaan mong balikan natin ang mga alaala
Alaalang sa buhay natiy nagpasaya
Nagpasa at nag bigay pag asa
Na mahalin natin ang isasat isa

Huwag mo munang isipin ang nagbabadya nating paglayo.
Sulitin ang bawat oras na tayoy nakayo
Nakatayo habang ang salitang paalam ay binibigkas mo
Habang ang luha natiy tumutulo

Sikapin nating maging maligaya
Sa huling sigundong tayoy magkasama
Sa huling pagkakataong tayoy iisa
At harapin ang saatiy nakatadhana

Saglit pang muka moy aking pagmamasdan
At ang sariwang alaalay aking babalikan
Muling dadalawin ang nakaraan
Bago tuluyang magpaalam

At sa oras na ito 
Sabay tayong tatalikod at tutungo
Sabay natin lakbayin ang magkabilang dulo
At titigan kung saan tayo patungo

Walang lilingon
Lilingon sa alaala ng nagdaang panahon
Walang luluha
Luluha sa nakaraang hindi natin maibabalik pa
Walang sasambit ng pangalan
Pangalan na makakapag pasakit at mas magpapabigat ng ating nararamdaman
Walang titigil sa paghakbang
Na para bang nagdadalawang isip kung ang paglayoy tutuluyan
Sapat na ang paalam 
Na tila magpapawi ng ikaw saaking buhay
At ako sa iyong buhay

Dahil sa kwentong ito
Walang pangalawang pagkakataon
Ang pag ibig natiy puno ng limitasyon
Puno ng taong hindi tutugon
Hindi susuporta
At pilit na paglalayuin ang tayong dalawa

Sa kwentong ito
Walang labanang magaganap
Walang matutupad na pangakot pangarap
Sakit lamang ang malalasap
Sakit lang
Kaya mas minabuti pang ating wakasan
At hayaang matapos ang walang hanggan
Mabubuhay tayong muli
Sa panahong pwede na tayong matali
Sa panahong pwede na kong mamamili 
Mamahalin kitang muli
Ikaw at ikaw lang 
Hindi ka mapapalitan
Mabuhay man tayo sa susunod na panahon
Ikaw at ikaw lang


°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Maari po kayong magrequest ng title na gusto nyo
Just comment
Dont forget to vote thanks

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon