YOSI lang kase

144 1 0
                                    

Marahil ang inyong isip ay nagtataka
Sa mga bagay na madalas ay aming ginagawa
Mga bagay na wala namang kakwenta kwenta
Na sabi ninyong sa buhay namiy makasisira

Bawat upos ng sigarilyo
At bawat sarap ng pagbuga nito
Alam na naming sa isip nyu'y kung ano ano na ang tumatakbo
Handang handa na kayo na husgahan ako

"Walang kinabukasang bata"
Ang laging narieinig na aking mga tenga
Galing sa mga taong hindi alam ang tunay kong nadarama
Bukas ang kanilang mga mata para sa panghuhusga

Hindi namin alam kung bakit
Naisipang na ang sigarilyo ang gamot sa sakit
Sa sugat sa pusong pinaghihilom ng pilit
Na kahit alam naming mali ay tama ang giit

Di ko lang alam kung bakit sa bawat buga
Sandaling nawawala ang sakit na nadarama
At paggaan ng problemang dinadala
Sa bawat pag ihip at pagdami ng mga baga

Sa bawat usok na aming pinakakawalan
Dala nito ang bigat ng loob na aming pinapasan
Dinadala nito ang sakit nang aming nakaraan
At pinupunan ang aming isipan ng kamanhiran

Bisyo kung inyong tawagin
Ngunit itoy pain reliever para sa amin
Bisyo na sa aming buhay ay makasisira
Na sa bawat paggamit tila nadadagdagan pa lalo ang mga problema
Na para bang sa isip nyoy aming dinaragdagan pa
Na sinasayang namin ang buhay para lang sa WALA

Oo tama,
Wala lang ang makawala sa problema kahit saglit
Wala lang ang paggamit para mapahupa ang galit
Wala lang ang saglitang makalimutan ang nakaraang sa isipay bumabalik
Wala lang ang konting sandaling humupa ang sakit

Kahit isang minuto
Kahit ilang segundo
Isang bisyo lang ito para sa inyo
Ngunit para sa amiy baliw na kami kung wala ang bagay na ito
Hindi kami abusado
Bagkus gusto lamang naming makawala sa deprasyon
Na pinalalawak ng aming imahinasyon
Yosi lang ang kailangan namin ngayon
At konting pag unawa sa bawat bumabasa ng tulang yaon

SPOKEN WORD POETRYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon